SA BREAKFAST, sa lunch hanggang sa dinner ay naghihintay si Sunshine na i-open ni Ian ang tungkol sa binanggit nitong business proposal. Business, iyon ang dahilan nang bigla bigla na namang pagpapakita nito. Si Rain ay mukhang payag na hindi pa man binubuksan ni Ian sa kanya ang tungkol sa negosyong iyon.
Kaninang umaga pagkatapos ng breakfast-kape at pandesal lang ang in-offer niya kay Ian. Pang-tatlong tao lang naman kasi ang inihanda niyang breakfast meal, sa dalawa niyang boarders at sa kanya. Iwas na iwas siyang magsayang ng pagkain kaya tama lang sa kanilang tatlo ang inihahanda niya. Hinatak na lang siya ni Ian patungo sa kotse. Isinama siya sa supermarket. Namili sila ng food supplies. Nagtaka man kung bakit parang pang-one week ang nasa cart nila, hindi na nagtanong si Sunshine. Ganoon naman talaga si Ian, kung hindi pagkarating, bago aalis sa bahay ay ipaggo-grocery muna sila. Paraan siguro nito iyon ng pasasalamat.
Sa supermarket, ilang beses na pinapagalitan ni Sunshine ang sarili. Nag-iimagine na naman kasi siya ng mga hindi niya dapat iniisip-unang una na ay para silang newly wed na naggo-grocery. Nagtatanong si Ian kung ano ang menu nila sa lunch at dinner, kung may naiisip ba siyang lutuin. Si Sunshine naman ay nagsa-suggest ng mga naiisip niyang parang masarap kainin. Tanong din nang tanong si Ian kung ano ang wala sa bahay, kung ano ang kulang sa grocery supplies, kung may gusto ba siyang i-stock sa refrigerator-para talaga silang mag-asawang nagsisimula pa lang magsarili.
Nakapila na sila sa cashier nang mapansin ni Sunshine na ngiti siya nang ngiti. Hindi niya maitanggi sa sarili na nag-enjoy siya sa maikling oras na iyon na pati brand ng mga bibilhin ay pinagtatalunan nila ni Ian.
"Wala na tayong nakalimutan, Ney?" si Ian sa kanya. Pagbaling niya ay nakayuko sa kanya ang lalaki. May ilang segundong napatitig lang siya sa mga mata nito. nagpigil lang siyang abutin ang pisngi nito at haplusin. Pakiramdam kasi niya ay hindi totoong nasa tabi talaga niya ang lalaki.
Ano kaya ang alibi nito sa fiancée? Alam kaya ng babaeng iyon na nasa grocery store si Ian at may ibang babaeng sinasamahang mag-grocery?
"Sa kitchen wala na," sabi niya naman. "Baka ikaw, personal things?"
"Okay na ako-ah, may kulang pala..." tumingin-tingin ito sa paligid.
"Ako na lang ang kukuha," suggest niya. "Ano 'yon?"
"Briefs."
Nakaawang ang bibig na bumaling siya-nagtama ang mga mata nila. Ngising unggoy si Ian. Hinampas niya ang loko sa balikat. Nag-iinit ang mukha niya sa lapad ng ngisi nito.
"Nude akong matutulog 'pag 'di ako nakahanap-" hinampas niya ito nang dalawang beses pa.
"Eh 'di maghanap ka! Ba't akong maghahanap? Nagbe-briefs ba ako, ha?" napayuko siya nang lumingon ang ilang tao sa pila. Narinig yata na pinagtatalunan nila ay tungkol sa briefs.
Ngingisi-ngisi naman si Ian. Paminsan-minsang sinisiko siya. "Hanap ka na, Ney-" natawa ito nang pandilatan niya.
"Matulog ka na lang na nude!" irap niya. Sa ngiti nito, mukhang wala naman talagang balak bumili, nang-aasar lang. At mas nag-eenjoy na may nakukuhang reaction sa kanya.
"'You sure?" hindi niya alam kung tama ang basa niya na naughty ang ngiti nito.
"Ian, tama na, ah?" kasunod ang irap. "Lalagyan ko'ng pampurga ang pagkain mo!" huling huli niya ang pagpipigil nito ng tawa at ang pag-zip ng bibig.
Hindi na nga ito nagsalita, hinila lang siya at inakbayan. Gaya nang dati, ang kamay na nakaakbay sa kanya ay umabot sa pisngi niya at mahigpit na pinisil. "Ano'ng lulutuin natin ng lunch?"
"Ikaw?"
"Lulutuin mo ako?"
Siniko niya ito sa tagiliran. Tumawa lang si Ian. "Chicken na muna tayo?"
"Kung ano'ng gusto mo. Ikaw naman ang bisita, eh."
"Ikaw ang magluluto?"
"Hindi. Ikaw rin. Ikaw ang kakain, eh."
Ginulo nito ang buhok niya na nagpaungol kay Sunshine.
Ang mga pinamili na nila ang next na ipa-punch ng cashier. Magkatulong na silang naglalabas ng mga items galing sa cart. Hindi mapigilan ni Sunshine ang makulit na imagination. Napapangiti tuloy siya.
Ang cashier ay napansin niyang hindi maalis ang tingin kay Ian nang nagbabayad na sila. Nanghihinayang yata na may kasamang babae si Ian.
Hanggang nasa kotse na ay tungkol pa rin sa briefs ang dahilan ng hampasan at tawanan nila.
Pagdating sa bahay, magkasama sila sa kitchen na naghanda ng lunch. Sabay rin silang kumain. Ganoon rin sa dinner-na natapos na't lahat, hindi pa rin nabanggit ni Ian ang tungkol sa business.
Nagwa-wonder na tuloy si Sunshine kung anong business proposal iyon.
BINABASA MO ANG
Heart Hour (Published, 2016).COMPLETE
RomancePaano nga kaya kung may HEART HOUR ka sa bawat isang araw? Ito ay kuwentong Hugot ng mga UMAASA... NOTE: UNEDITED version.