44. Kiss

501 28 6
                                    

NAPATANGA si Sunshine. Topless si Ian—at tumayo pa mismo sa mismong tabi ng puwesto niya sa kama. Malapit na malapit sa kanya ang abs nito!

"B-Bakit hubad ka?" sa wakas ay natagpuan ni Sunshine ang boses. Na-realize niyang parang nakahinto ang kanyang mundo dahil lang sa biglang pagpasok ni Ian. Nakalimutan niya ang pinag-uusapan nila ni Nath, napatanga siya sa abs ni Ian. Nakahinto na lang ang mga daliri niya sa letter keys ng laptop.

Parang natigilan naman si Ian. Niyuko nito ang sarili at napailing maya-maya. "Sorry," sabi nito at lumabas uli ng room niya.

Ano 'yon? Hindi aware na topless?

Nang ibalik ni Sunshine sa screen ng laptop ang tingin, parang nawalan na ng appeal sa kanya ang Facebook. Nag-log out na siya matapos sabihin kay Nath na matutulog na siya. Nagsa-shut down na ng computer ang dalaga nang bumalik si Ian na nakasuot na ng T-shirt. Dinaanan lang niya ito ng tingin. Itinabi na niya ang laptop. Pagbalik sa kama ay inayos niya ang bed sheets bago ang mga stuffed toys na parang mga guards niyang nakaupo at nagsisiksikan sa may headboard. Buti na lang talaga, ang lapad ng kama niya. May enough space kung gusto niyang kayakap ang alin man sa mga stuffed toys.

Inabot ni Ian isa isa ang mga stuffed toys. Inilipat sa couch sina Nath, Niar at Nai. Si Yen ay niyakap nito bago umupo sa kama—sa tabi niya.

"Hindi ka ba makatulog?" basag ni Sunshine sa katahimikan sa kuwarto. "Okay naman sa room ni Rain. Mas organized pa 'yon kaysa sa akin kaya walang kalat sa room."

Hindi umimik si Ian, mas isinubsob lang ang mukha sa yakap na big bear.

"Lipat ka na," sabi uli ni Sunshine. "Dalhin mo na 'yang bear." Nalulungkot yata ito at may nami-miss. Malamang ang fiancée na wala siyang ideya kung nasaan.

"Mahirap ba talaga akong mahalin, Ney?" mababang tanong nito, mas hinigpitan ang yakap kay Yen. Ang mga mata nitong nakatuon sa dingding kanina, lumipat na sa kanya. At literal na hindi siya agad nakahinga nang magtama ang mga mata nila. Wala ang pamilyar na kinang na nakikita niya sa mga mata nito. Hindi sigurado ni Sunshine kung tama ang basa niya pero parang ang lungkot ni Ian. Parang nasasaktan...

Ilang seconds na hindi siya nakapagsalita. Napatitig lang sa mga mata nito. maya-maya ay hindi niya napigilan ang sarili, umusog siya palapit kay Ian. "Parang ang lungkot mo ngayon," sabi niya. Parang may sariling isip ang kamay niya, umangat at humagod sa likod nito. "Hindi naman 'ata business proposal ang reason ng pagpunta mo dito, eh. Nalulungkot ka? Nag-away ba kayo?"

Tahimik lang si Ian, hindi inaalis sa kanya ang tingin. Itinuloy lang niya ang marahang paghagod sa likod nito. "Alam ko na," si Sunshine mayamaya. "'Yong mga bigla bigla mong pagpapakita dito, malungkot ka ba no'n o may problema? Bakit dito, Ian? Wala kang ibang mapuntahang tahimik na place?"

Hindi pa rin umimik si Ian. Hindi rin inaalis ang mga mata sa kanya. Salamat na lang, walang ideya ang lalaki sa epekto ng titig nito sa heartbeat niya.

Sinadya niyang magaang tumawa. "Uy, magsalita ka!" hindi niya namalayang mula sa likod, lumipat sa pisngi nito ang kamay niya. Natigilan si Sunshine, kaswal na binawi ang kamay at bumangon. Na-realize niyang wala naman siyang gagawin kaya kinuha na lang niya ang unang nadaanan ng tingin—si Nai. Niyakap din niya ang stuffed toy bago siya bumalik sa kama.

"Matulog ka na lang kung ayaw mong magkuwento," sabi niya kay Ian. Sinindihan niya ang lampshade bago pinatay ang ilaw sa kuwarto.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko, Ney." Si Ian, umayos na ito ng higa, ginawang unan ang isang leg ni Yen. Nakatagilid paharap sa kanya ang lalaki.

"Wala ka rin namang sinagot sa mga tanong ko, eh." humiga na rin siya. Nasa pagitan nila si Nai. "About business na lang ang pag-usapan natin," pinagaan niya ang tono. Hinayaan lang niya si Ian na yakapin din si Nai.

"Plano kong mag-open ng cake house," sabi ni Ian, nadi-distract siya sa titig nito. Hindi kasi iniiwan ang mga mata niya. "Gusto kong may matawag naman na akin talaga. Nakakapagod maging utusan. Tagasunod ng mga kadugong magagaling. Iniisip ko na nga kung may lugar ba talaga ako sa mundo nila," kasunod ang buntong hininga. Hindi niya ito naintindihan. Magtatanong pa lang sana si Sunshine, dinugtungan na ni Ian ang sinasabi. "Nabanggit ni Rain na gusto mong mag-open ng business pero kulang kayo sa funds?"

Tumango si Sunshine. "Hindi pa kaya, eh. Kaya homecooked and baked goodies muna."

"Gusto mong maging partner ko?"

"Tingin mo kaya ko? Hindi pa naman ako ganoon kagaling sa cakes eh. Pati sa experience kulang din. Pero willing akong matuto. Game ako sa intensive training."

"Gusto o hindi lang ang sagot, Ney."

"Gusto," sabi niya at ngumiti. "Siyempre, gusto ko."

"Lagi mo akong makakasama," sabi ni Ian. "Marami tayong pag-uusapan. Sabay tayong magwo-workshop kung kailangan, magbe-brainstorm din. Hindi laging pareho ang ideas natin kaya siguradong may arguments. Mag-aaway tayo, magsisigawan—"

"Hindi ba puwedeng mag-away na walang sigawan?"

"Mag-aaway tayo na walang sigawan," pagtatama nito. "Makikita mong hindi lahat sa akin maganda. May bad side ako, bad attitude, unpleasant behavior—may mga makikita kang hindi mo gusto, Ney. Hindi ka ba magba-back out na lang basta?"

Napakurap-kurap si Sunshine. Hindi ba business partner lang sila? Bakit parang lifetime partner ang tinutungo ng usapan? O nagha-hallucinate lang siya?

"Puwede namang maging professional tayo both 'di ba? Hindi naman natin kailangang gawing issue 'yong mga ganoon. Kung bad ang attitude mo minsan or may hindi ka magandang behavior, hindi ako dapat ang may issue do'n—'yong fiancée mo. Business lang naman ang concern ko, eh. As long okay ka naman bilang business partner, walang problema sa akin. Kung umabot naman tayo sa away na parang worthless na ako bilang partner mo sa business, do'n ko pa lang siguro pag-iisipan ang pag-quit. 'Pag nag-quit naman ako, since may funds ka, makakahanap ka ng mas higit sa akin anytime, 'di ba? Ako pa nga ang may problem at the end, kasi hindi ako basta basta makakahanap ng gaya mo na willing mag-invest sa business na—" hindi na naituloy ni Sunshine ang sinasabi nang bigla na lang hinatak ni Ian palayo sa gitna nila si Nai. Hindi na niya napansin ang pagkahulog ng unggoy sa sahig, Yakap na kasi siya ni Ian at nararamdaman na niya ang wamth ng halik nito sa mga labi niya...

Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon