30. Heart Hour Day 3

362 18 3
                                    

Heart Hour: Day 3

Midnight Messages. 12AM

HI, Vampire! Ang text message ni Sunshine kay Ian exactly twelve AM. Monday, oras ng heart hour nila sa day three.

Hi, princess. Ready for bed?

Kanina pa nga dapat, eh. Fault mo 'pag nagka-eyebags ako. L

Sorry. Antok na?

Kanina. Now, 'di na. You? Sa'n ka busy?

Same boring meetings and paper works.

Where ka?

Just got home.

Tired? Rest ka na.

Ayaw mo akong kausap?

Pagod ka, eh. Baka super early pa ang gising mo tom.

Gustong magsisi ni Sunshine na nag-suggest siya ng rest. Hindi na nag-reply si Ian. Naputol na naman ang palitan nila ng text messages. Mukhang nag-rest na nga.

Ian? Text ni Sunshine five minutes later. Hindi siya nakatiis na ganoon kaikli lang ang naging heart hour nila. Tulog ka na?

Sabi mo rest na.

Nakahiga ka lang?

No.

Nakaupo?

No.

Eh, ano'ng ginagawa mo?

Nakalutang, hehe.

Haha! Tigilan mo ang pagsinghot ng katol, uy!

LOL

Ano nga? Seryoso, Ian! Ano'ng ginagawa mo?

Looking at you.

Looking at you ka diyan!

PM.

Napatingin si Sunshine sa laptop na nasa kama at pinanggagalingan ng mahinang music. Naka-open talaga ang gadget dahil inaabangan niya kung saan sila mag-uusap ni Ian. Naka-connect rin siya sa internet pero nag-log out na siya sa Facebook nang mag-text si Ian.

Inabot niya ang computer para mag-check ng personal messages sa Facebook. May new messages nga galing kay Ian—at napanganga na lang si Sunshine nang bumulaga sa kanya ang limang images. Mga nakakatawang wacky shots niya—sabog ang buhok at mukhang baliw.

Pampatulog ko, new message galing kay Ian.

Ang adik mo talaga!

Image uli ang senend ni Ian. Picture nito sa kama katabi ang napakaraming nakakalat na pictures—mga pictures na kuha sa trip nila.

Nightmare later.

Hoy, grabe ka! Ba't kasi naka-print ang mga baliw pics ko? Ang daya mo!

Didikit ko malapit sa mga butas na daanan ng daga at ipis.

Hahaha! Sama mo!

Hindi na na-seen ni Ian ang sagot niya.

Ian?

??

?????

Walang na-seen ni isa sa mga messages niya. Nagtaka si Sunshine. Naka-online pa rin si Ian pero bigla na lang hindi na sumagot. Naghintay siya nang ilang minuto pa. Baka nagpuntang banyo. Pero natapos na ang heart hour at lumampas pa ng thirty minutes, hindi na-seen ang message niya.

Naka-online pa rin sa Facebook si Ian kaya kinabahan na siya. Naisip na ni Sunshine na baka nahilo o nag-collapse. Baka nadulas at naumpog ang ulo. Baka na-stroke...

Bigla niyang inabot ang cell phone at tinawagan si Ian. Lalo na siyang kinabahan nang walang sumagot. Inulit ng dalaga ang pagtawag—limang ring, may tumanggap na ng tawag niya.

"Ney?" boses ni Ian, sa pagitan ng bulong at ungol ang tunog.

"Ano'ng nangyari sa 'yo? Nawala ka na lang sa convo natin pero online ka naman..." hindi niya naitago ang pag-alala. "Nagwo-worry na ako..."

"Sorry," sabi ni Ian. "Nakatulog ako..."

Napanganga si Sunshine. Nakatulog? Nakatulog lang! Bakit ba hindi niya naisip iyon? At nagising pa tuloy si Ian sa tawag niya!

"Sorry..." sabi rin niya, gustong iumpog sa dingding ang ulo. Na-guilty. Sobrang pagod yata nito kaya nakatulog na lang. "Akala ko kasi napa'no ka na, eh. Bigla bigla ka na lang 'di sumagot. Sige...'tulog ka na ulit."

Ungol na lang ang sagot ni Ian. Hindi pinatay ni Sunshine ang tawag, pinakinggan niya nang mahabang sandali ang paghinga ni Ian. Nahulaan na niyang nakatulog na uli na hindi pinapatay ang tawag. Nakita niya sa isip ang payapang mukha nito na mahimbing ang tulog.

Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon