Heart Hour: Day 5
Sunrise Messages. 5 AM
Ian?
Yes?
Five AM na.
Heart Hour.
Online ka sa FB?
No.
Text messages lang ang heart hour ngayon?
'You want more?
Depende sa more. ;) What do you have ba?
Photos.
Ang unfair lang. Wala man lang ako pang-ganti sa 'yo! At wala akong copy ng mga shots mo. 'Yong nasa inbox lang.
Voice call.
Tatawag ka?
Tomorrow.
Hindi ngayon?
Don't have load.
Naka-plan ka, uy!
Hehe!
Ano'ng hehe? Call me.
Demanding princess.
Now na.
Can't.
AND WHY?
May kasama ako, Ney.
Saan?
Sa bed. Tulog pa. Magigising sa voice ko.
SINO 'YAN?
Uhm...
Ano'ng uhm? May date ka? At kasama mo all night?
Hehehe.
Sexy?
Don't know.
Ows? Nagtitigan lang kayo magdamag?
Parang gano'n. Good girl 'to.
Eh, ba't nasa kama mo?
I asked her to stay.
And sleep lang?
And smile.
Smile lang?
Nakakawala ng pagod ang ngiti niya.
'Patingin na lang ng picture. Baka 'di naman maganda, eh!
You're funny.
You laugh.
Photo sent.
FB?
Yup!
Parang nagsisikip ang paghinga na nag-log in si Sunshine sa Facebook. Ano ba sila ni Ian? Wala namang sila kaya ano'ng karapatan niyang pigilan ang lalaki na mag-date? Teka, ni hindi nga nila napag-uusapan ang tungkol sa personal nitong buhay. Ni hindi nga niya alam kung single ba ito. Malay ba niya kung girlfriend pala nito ang kasama. At siya? Baka babaeng pinupuntahan, tinetext o tinatawagan lang kapag hindi ito busy sa trabaho o sa girlfriend. Hindi ba ito ang nagdi-dictate sa oras ng Heart Hour? Kasi nga naman, mga oras iyon na free si Ian.
Free at puwedeng mag-play.
Natakot nang mag-open ng FB si Sunshine. Ilang minuto muna bago niya napilit ang sarili. Maaga pa naman, puwede pang umiyak muna bago siya magluto ng breakfast.
May new message nga siya. Medyo nanginginig pa ang daliri nang i-tap niya ang message icon.
At bumulaga kay Sunshine ang bagong gising look ni Ian, nakasubsob sa unan ang kalahati ng mukha, topless pero nakakumot hanggang baywang at nakatagilid paharap sa space sa kama na may picture—isa sa mga pictures niyang na-capture ang kanyang buong-buong ngiti.
She's lovely. Don't hate her. :)
Seen-in lang ni Sunshine ang message ni Ian. Nag-log out siya sa Facebook. Hindi niya ma-explain ang emosyong nasa dibdib. Iniwan niya sa kama ang cell phone. Lumabas siya at bumaba sa kitchen para uminom ng tubig. Nagtagal siya malapit sa ref, napatitig lang sa sahig. Ano ba'ng gagawin niya? Pagbibigyan pa rin ang sarili o iiwas na dahil sa mga takot niya?
Nahuhulaan na niya kung saan patungo ang nararamdaman niya...
Lampas six AM na nang bumalik si Sunshine sa kuwarto. May siyam na missed calls galing kay Ian. At hawak na niya ang gadget nang tumunog iyon sa pang-sampung tawag ni Ian.
"Bakit 'di mo sinasagot!?" si Ian sa mataas na boses. Nagulat si Sunshine, napanganga.
Hindi siya umimik.
Parang malakas na nag-exhale si Ian sa kabilang linya. "Sorry. Nag-worry lang ako, Ney."
"Nasa 'baba ako. May kinuha lang sa kitchen."
"Ney?"
"O?
"Hindi ba tayo okay?"
"Bakit tayo hindi magiging okay?"
"Nine times akong tumawag—"
"Naiwan nga kasi sa room ang phone ko. Sinagot ko naman 'yong pang-ten, eh. May issue ka pa rin?"
"Ney..."
"Ano nga?"
"Something's wrong."
Napapikit siya at napabuntong-hininga.
"Yes, there is," sang-ayon niya sa mababang boses. "Kaya nga may hihingin akong favor sa 'yo."
"Ano' yon?"
"'Yong nine days na natitira sa Heart Hour, tapusin na natin agad, please? Gusto ko nang bumalik sa dati—I mean, mga dati kong ginagawa. Back to business na ako next week. Wala na akong masyadong oras sa ganito, Ian."
Katahimikan.
Naghintay si Sunshine ng sagot ni Ian.
"May favor din akong hihingin, Ney."
"Okay."
"Sa mga susunod na Heart Hours, puwede bang huwag ka munang mag-isip ng kahit ano? Kalimutan mo muna lahat. Ako lang muna ang isipin mo. Ako lang. Walang iba. Akin muna ang isip mo."
BINABASA MO ANG
Heart Hour (Published, 2016).COMPLETE
Любовные романыPaano nga kaya kung may HEART HOUR ka sa bawat isang araw? Ito ay kuwentong Hugot ng mga UMAASA... NOTE: UNEDITED version.