HEART hour?
Napatitig si Sunshine sa new message ni Ian sa Facebook. Two words lang pero sapat para bumalik ang maraming happy moments sa isip niya.
Ten PM na iyon, hindi makatulog si Sunshine kaya nag-log in na lang siya sa Facebook. Nagulat siyang umabot na ng hundred plus ang likes ng selfie niyang may kayakap na Panda. Tanda niyang pinakamataas niyang likes ay sixty lang. Piling-pili lang kasi ang nasa friend's list niya at karamihan ay may sari-sariling buhay. Walang oras mag-Facebook.
Nabubuhay lang ang wall niya kapag nag-ingay ang mga pasaway niyang kaibigan. Gaya nang gabing iyon na nasa news feed lagi ang picture niya sa kaka-comment ng mga ito.
May free trip ba?
El Nido?
Gusto ni Sunshine ng free trip pero pipiliin niyang hindi na sumama. Mas mapapalapit siya kay Ian. Lalo na siyang malulubog sa emosyong gusto na niyang mawala. Lalo na siyang hindi makakaahon.
Busy na ako, eh. Hindi na puwede.
Sa mas malapit na lang, Ney? Hindi pa rin?
Busy na ako.
Mga three minutes na hindi umimik si Ian. Seen lang ang last message niya. Ano kaya ang iniisip ng lalaki? At bakit nag-aaya ito ng free trip kasama siya? Hindi kaya nagche-cheat ito sa fiancée? Baka hindi lang siya ang inaaya? Baka marami pang ibang babae at kapag sumama, mga ilang araw na 'fun' lang tapos pagbalik ng Maynila, balik din sa fiancée.
Pero hindi naman yata ganoong klaseng lalaki si Ian. Hindi nga ba? Ano ba ang alam niya sa personal na buhay nito? Hindi ba at sobrang limited ang impormasyong alam niya tungkol sa lalaki?
Who's with you, Ney?
Who's with me where?
Bed.
Bed? Ah, 'yong mga big toys ba?
Yeah.
Inabot ni Sunshine si Nai, niyakap at nakangiting nag-selfie. In-attached niya ang image sa next message niya kay Ian.
Si Nai?
He's cute.
Where's Nath?
Inabot niya ang Panda at niyakap din. Nagselfie uli siya at in-attached ang image. Nag-sad face siya kunwari.
Jealous Panda, eh.
Kausap mo ba si Nath, Ney?
He can't talk!
Si Nath na sunog.
'Yong totoong tao? Oo.
Lagi?
Bakit mo tinatanong?
Lagi?
Hindi naman araw araw. 'Pag pareho kaming online. Nasa Singapore 'yon pero pauwi na.
Pauwi na?
Next week daw.
Hinihintay mo?
Oo naman. Ilang years na rin, eh. Teka, ba't curious ka kay Nath?
Nakita ko lang na nag-comment si Rain sa photo mo kaya nakita ko sa news feed. Ang kukulit pa rin ng mga kaibigan mo.
Oo nga, eh. Ba't di ka man lang nag-like? Makikita ng fiancée mo? Bawal ba mag-like at mag-comment sa picture ng kahit sinong babae?
Seen lang ang message ni Sunshine. Maya-maya ay may notification siya.
Ian Veneracion commented on your photo.
Agad binalikan ni Sunshine ang post niya. At mahinang napasinghap nang makita ang comment ni Ian.
You're prettier here with this new baby. Ang comment nito kasunod ang kase-send lang niyang selfie na yakap ang unggoy!
Nanlaki ang mga mata ni Sunshine. At napanganga na lang nang magsipagsulputan na naman ang comments ng mga kaibigan niya.
Monkey versus Panda?
Panda!
Monkey!
Ang past ba?
Ang present?
Ang nagbabalik o ang hinihintay?
Sunny, are you there?
Naisip niyang sumagot para matapos na ang kalokohan ng mga kaibigan.
SHUT UP NA LANG KAYO DIYAN. DON'T ME!
Hahaha!
LOL
Intense!
Napatitig si Sunshine sa message icon nang makitang may mga bagong message na dumating. Galing kay Nath.
Hi, Sunny!
Uy, hi.
At nagsend din siya ng message kay Ian.
Ba't pinost mo 'yong pic ko nang walang permission? Kainis ka!
Bawal ba? Bagay kayo ni Nai.
Bagay ako sa unggoy?!?
LOL
May reply na si Nath.
See you next Tuesday, Sunny?
Nasa Pilipinas ka na ng Tuesday? Coffee tayo ng barkada?
Okay. See you then!
Marami ka bang baon na kuwento?
Sticker na naka-wink ang sagot ni Nath.
Ney? Si Ian na naman. Seenzoned?
May kausap pa ako, Ian. Wait lang."
Sino?
Si Nath.
Wala nang sagot. Mga after five minutes, may kumakatok na sa pinto niya. At saka lang naalala ni Sunshine na nakalimutan niyang i-lock ang pinto—na maya-maya ay bumukas na. Pumasok si Ian at deretso ang mga hakbang palapit sa kanya sa kama.
BINABASA MO ANG
Heart Hour (Published, 2016).COMPLETE
RomancePaano nga kaya kung may HEART HOUR ka sa bawat isang araw? Ito ay kuwentong Hugot ng mga UMAASA... NOTE: UNEDITED version.