50. Last Chapter: First And Forever

1.3K 56 12
                                    

"RAIN?"

Disoriented pa si Sunshine nang bumangon. Iisipin sana niyang nanaginip siya pero naamoy niya ang pabango nito. Nag-lock rin siya ng pinto bago natulog kaya si Rain lang na may sariling susi ang makakapasok sa kuwarto niya.

Friday ng araw na iyon, hindi araw ng uwi ng kapatid.

At five thirty pa lang halos...

"Nag-leave ako," boses ni Rain. "Lunch out tayo mamaya, treat ko."

"Uy! Okay 'yan. Ano'ng meron-" natigilan siya, napamaang sa kapatid. "Bakit may black eye ka? Sinong-nakipagbugbugan ka ba? Tinanggal ka sa work kaya nandito ka-"

"Sunny, nag-leave lang ako ngayong araw," putol ni Rain. "May sinapak lang akong gago. Lumaban kaya hayan..."

"Ay, grabe! High schooler ang peg mo? Nakikipagsapakan ka pa talaga?"

"'Wag ka nang mag-nag. Lunch tayo mamaya."

"Humihit ka ba ng katol?"

Dinampot ni Rain ang isang unan at hinampas siya. Tumawa lang si Sunny, umiwas sa hampas ng kapatid.

"Seryoso, Rain! Bakit umuwi ka? Friday pa lang ngayon!"

"Nag-alala ko sa 'yo. At may hinatid lang akong gift."

"Gift?"

"Pinapaabot ni Ian. Mamayang eleven ang kasal niya sa Tagaytay. Kung balak mong magsuot ng itim na gown at tumutol, maghanda ka na ngayon pa lang. Hindi ako pupuntang may black-eye do'n."

"A-Ano'ng gift?"

"Naka-wrap. Makikita ko ba?" supladong balik nito. "Pagkatapos na lang ng almusal. 'Pahinga muna ako."

Tumango siya. Bumalik uli ng higa sa kama. Pinilit matulog pero nawala na ng tuluyan ang antok. Ang gift at ang kasal na ni Ian ang naiisip niya.

Tatandaan niya ang date na iyon-ang araw na mawalala na talaga ang first everything niya.

Bitter siya?

Hindi na. Tanggap na niya. Masakit talaga pero lilipas din iyon. Ang bilis lang naman ng oras. Sigurado siyang darating din ang isang araw na makakangiti na siya nang walang pait sa puso kapag nabanggit ang pangalan ni Ian.

Kung may wish man siya ngayon, iyon ay sana, maging happy si Ian kasama ng babaeng pinili nito. Na sana, maging habang-buhay nga ang pagsasama nito at ng asawa. Kung totoo man ang mga sinabi ni Rain tungkol kay Ian o kung sinabi lang ng kapatid para tulungan siyang mag-move on, hindi na mahalaga.

Bago siya umuwi sa bahay nila, tinanggap na ni Sunshine na hindi na talaga sila puwede ni Ian. Ang kung anumang feelings niya sa lalaki, kailangan na niyang kalimutan. Dapat na talaga niyang pangatawanan ang magmo-move on. Hindi lang move on sa salita. Totoong move on na ang dapat.

Acceptance lang pala ang kailangan para medyo gumaan ang pakiramdam niya. Noong tinanggap na niya na wala na talagang pag-asa, parang mas naging okay ang pakiramdam ni Sunshine. Nabawasan ang bigat sa dibdib niya.

Inabot niya si Nai at niyakap. "I forgive you," sabi niya sa unggoy. "For hurting me..." sinubsob niya sa unggoy ang mukha. "Pinatawad na rin kita, self, sa pagiging tanga..." Hindi inaasahan ni Sunshine na makakatulog pa uli siya.

Nine AM na siya nagising. Mabilis siyang naligo. Fresh na fresh siya. At parang gustong gusto ni Sunshine ang sarili nang umagang iyon. Para kasing ang tapang niya. Siguro nga, hindi na siya ang dating Sunny. Nag-mature na siya. At malaking bagay ang pagsubok sa emosyon para ma-test ang kanyang maturity.

Hindi nga lang niya sure kung gawain ng isang mature ang i-block sa FB ang rason ng pains niya. Kung sign ng immaturity iyon, tatanggapin niyang immature siya.

Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon