49. Moving On

576 29 4
                                    

SA approval ni Maggie, pinost ni Sunshine ang filtered picture niya. Mas maganda. Mas maputi, mas lahat—perf!

Eight PM ng gabi iyon. Bumalik na siya sa bahay nila at pinipilit aliwin ang sarili. Na-realize niya pagkatapos ng pag-uusap nila ni Rain, walang mangyayari kung lagi siyang tatakas. Sa utos ng mga kaibigan, na-convince siyang mag-attend ng kasal ni Ian. Tama naman ang mga ito, baka iyon ang kailangan niyang closure. Kailangan niyang makitang sumumpa ng habang-buhay si Ian sa ibang babae para tumigil na siya. Para manahimik na ang hypothalamus niya.

Pero wala namang binabanggit si Rain. Mukhang walang balak isama siya sa kasal.

Sunod-sunod ang comment ng mga kaibigan ni Sunshine sa bagong post niyang picture. Inobliga niya talagang mag-like at mag-comment ang mga ito.

Pretty!

Bet!

Ang Perf!

#Lovelove!

#NgitingTagumpay 'te?

Naka-move on na agad?

Nath? Ikaw ba ang nagpapangiti sa girl sa picture? Si Maggie na minention talaga ang nananahimik na si Nath.

Fifteen minutes later. Nag-online si Nath.

Ako ba, Sunny? comment nito.

Nakangising emoji lang ang sagot niya.

Biglang lumitaw sa notification na nag-like si Ian sa picture niya. Hindi na nag-isip, blinock niya si Ian Veneracion. Small step pa lang, pero baka doon na magsimula ang totoo niyang pagmo-move on.

Nag-log out na siya sa Facebook.

Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon