6. #MedyoShock si Ate Girl Scene 1

830 41 1
                                    

SANDALING na shock si Sunshine nang pumasok si Ian sa back door. Pawisan ang lalaki at hindi pa pantay ang paghinga. Naka-jogging pants na gray at white sando. Sa sobrang pawis, bakat na ang dibdib, kitang kita niyang parang ang hard kung ita-touch!

Agad na inilayo ni Sunshine ang tingin. Salamat na lang at hindi napansin ng lalaki na napatanga siya pagkakita rito. Nine thirty na siya dumating galing sa University. Nag-dinner na rin siya bago umuwi.

"Hindi pa ako kumain, Sunny."

"Nagja-jogging ka nang ganitong oras?"

Sabay silang nagsalita. Umatras agad si Sunshine nang dumaan ito sa tapat niya. Kumuha si Ian ng tubig sa refrigerator.

"'Bumili ka na lang ng pagkain sa labas," sabi niya. "Hindi ka pa naman nagbayad, eh. Kung nagbayad ka na, magpe-prepare ako ng dinner mo."

"Nag-dinner ka na?" si Ian.

Tumango si Sunshine. Kumuha rin ng tubig. Naka-uniform pa siya. Hindi pa nga siya umakyat sa sariling kuwarto. "Ba't naman late ang exercise mo?"

"Gusto ko lang mag-release ng toxins," sagot ni Ian. "Okay mag-jogging dito sa village n'yo."

"Para kang si Rain," sabi na lang si Sunshine. Sa day off ng kapatid, bago ang dinner ay nagja-jogging rin ito. Kung hindi naman, nagpu-push up sa loob ng sariling kuwarto. Pareho yata ang dalawa na parang hindi mabubuhay na walang exercise.

Sumandal sa gilid ng sink si Ian, nanahimik na. Naramdaman niya ang titig nito kaya hindi napigil ni Sunshine ang pagtutok ng mga mata sa lalaki. Nakatingin nga sa kanya si Ian-na ngumiti at hindi man lang nagbawi ng tingin nang mahuli niya!

Nag-react ang heartbeat ni Sunshine. Napabilis ang pag-alis niya sa kusina. "Malaki ka na," sabi niya habang palayo. "Bahala ka nang kumain mag-isa!"

"Isusumbong kita sa Kuya mo, Sunny!" pahabol nito. "Bakit walang dinner?"

"As if nagbayad ka!" ganti niya at itinuloy ang pag-akyat sa kuwarto. "Bayad muna bago reklamo, uy!"

Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon