"ANG gulo mo rin, eh. Saan ba tayo pupunta, Ian?"
"Sa Neverland."
"'Wag ka ngang parang high!"
"Walkathon lang tayo."
"Sa kasagsagan ng gabi?"
"Hindi mo gusto? Walang init, o."
"Maglakad ka na lang mag-isa. Uuwi na ako-"
"Ten PM pa ang uwi ni Rain. Ano'ng gagawin mo sa bahay?"
"Gagawa ng assignments."
"Marami ka bang assignments?"
Hindi nakasagot si Sunshine. Wala naman talaga siyang assignments. Nagdadahilan lang siya para makauwi na. Hindi niya kasi masakyan ang trip ni Ian. Mula sa Tarcing's ay malayo na ang nilakad nila. Hindi naman sinasabi ng lalaki kung saan sila pupunta. Lakad lang ito nang lakad. At kapag huminto siya, hahawakan ang braso niya para mapilitan siyang sumabay.
"May assignments ka o wala, Ney?"
"Wala!" agap niya. "Pero late na, Ian. Umuwi na tayo-"
"'Nood tayong sine?"
Parang sasakyan na biglang nag-stop si Sunshine. Huminto na rin si Ian. Sabay lang din ang naging pagkilos nila-tumingin sa kanya si Ian, nag-angat naman siya ng tingin dito.
"Sine?" ulit ni Sunshine. "Ngayon? Late na-"
"Last full show."
"May maganda ba'ng movie ngayon?" na-realize ni Sunshine, ilang metro na lang ang layo nila sa Mall kung saan nito naisip manood.
"Check natin?"
"Libre mo?"
Ngiti lang ang sagot ni Ian.
"Ayoko ng horror."
"Ayaw niya ng horror."
"Ayoko rin ng war film."
"Ayaw niya ng war film."
"Ayoko ng bloody scene!"
"Ayaw ng bloody scene."
"Ayoko rin ng suspense!"
"Ayaw ng suspense."
"Ayoko rin ng drama!"
"Ayaw ng drama."
"Ayoko ng movie na kailangan kong mag-analyze."
"Wala na tayong mapapanood, 'Ney."
Bumungisngis siya. "Romcom! Maraming tawa at kilig."
Matagal na napatitig sa kanya si Ian bago ngumiti. "Romcom."
Ngingiti-ngiti si Sunshine habang sumasabay sa mga hakbang ni Ian. Kung tama siya na pati sa movies ay pareho ang taste nito at ng Kuya niya, hindi ito magtitiyaga sa genre na gusto niya. Tinutulugan lang ni Rain ang kilig movies na gusto niya.
Tagalog romcom pa ang pinili ni Sunshine. Sarah-John Lloyd movie. Sina Laida at Miggy. Nakikita lang niya sa paminsan-minsang panonood ng T.V. ang trailer ng pelikula at natatawa na siya. Hindi siya aware na showing na pala iyon. Wala naman kasi sa what to do list niya ang manood ng sine.
Gustong alamin ni Sunshine kung hanggang saan makakatagal si Ian. Hula niya, gaya ni Rain, matutulog lang ito sa sinehan habang siya ay tawa nang tawa o kaya ay kinikilig. Hindi na nito uulitin ang mamimilit sa kanyang sumama sa biglaang panonood ng sine sa kasagsagan ng dilim.
Pero mali si Sunshine. Nag-enjoy rin yata sa movie si Ian. Nakikitawa rin ito sa mga funny scene ni Sarah. Sa kilig scene naman, tinanggap nito ang mga hampas niya. Hindi na ang movie ang tinatawanan ni Ian-siya na.
Nasa jeep na sila pauwi, nagrereklamo pa rin si Ian kung gaano kasakit ang mga hampas niya. Hindi na raw ito manonood ng romcom kasama siya.
Tinawanan lang niya ang lalaki. Nag-enjoy siya sa movie na hindi siya nagbayad ng ticket, 'yon ang mahalaga
"BAKIT parang ang dami mong niluluto?" boses ni Ian mula sa likuran. Weekend iyon. Abala sa kitchen si Sunshine. Nagluluto siya ng lunch. May group work sila ng mga kaibigan at sa bahay magla-lunch ang mga ito.
"May mga friends akong darating," sagot ni Sunshine. Naghihiwa siya ng sibuyas para sa iluluto niyang sweet and sour lapu-lapu dapat, nauwi sa tilapya. "May group work kami."
Tiningnan nito ang mga nasa mesang ingredients. "'Yan na lang ang iluluto mo?" tanong ni Ian.
Tumango si Sunshine. Nasa hinihiwang sibuyas ang atensiyon.
"Ako na'ng tatapos, 'Ney," sabi nito na nagpatigil sa paghiwa niya. Napatingin siya sa lalaki.
"Ikaw ang tatapos?" ulit niya. "Alam mo ba kung ano'ng lulutuin ko?"
"Sweet and sour?"
"Uy! Alam mo nga? Hindi lang pala mag-ihaw ang alam mong gawin?"
Ngumiti lang si Ian. "Go to your room and get ready," sabi nito. "Amoy prito ka na."
Inamoy niya ang sarili. "Hindi pa naman masyado, ah?"
Magaang tumawa si Ian. Lumapit at kinuha sa kanya ang kutsilyo. "Sige na, ako na'ng bahala sa sweet and sour mo."
"Mabango ka lang kaya ka nang-aapi," sabi niya, sinadyang banggain ito pero hindi man lang natinag ang katawan-siya ang napaatras. Natawa si Ian. Nakangiwi naman siya, sapo ang braso.
Eleven thirty, dumating ang mga kaibigan niya-nagulat si Sunshine nang makitang kasama ng tatlo si Nathaniel Vinzon.
BINABASA MO ANG
Heart Hour (Published, 2016).COMPLETE
RomancePaano nga kaya kung may HEART HOUR ka sa bawat isang araw? Ito ay kuwentong Hugot ng mga UMAASA... NOTE: UNEDITED version.