5. Second Ladder

967 42 2
                                    

Second Ladder

Simple Talks

EIGHT AM umaalis at gabi na ang balik ni Rain sa bahay. Mas madalas late pa nga. Sanay na akong laging mag-isa sa bahay. Ang pagiging 'alone' ko ang reason kung bakit mapili kami sa boarders. Ayokong magiging uncomfortable ako sa sarili naming bahay. Ayoko rin 'yong feeling na hindi ako safe. Female students ang mga naging boarders namin dati. May dalawang lalaki-Jiro at Law, friends ni Rain-parehong weeks lang nagtagal. Temporary room lang naman kasi ang kailangan kaya pinagbigyan ni Rain.

Si Ian ang mukhang magtatagal sa amin. Hindi ko alam kung ano siya sa buhay ni Rain at tinanggap agad nang hindi man lang binabanggit sa akin. Naisip ko pa nga, baka gipit sa pera si Rain. Lagas na naman kasi ang savings niya dahil sa tuition fees ko at iba pang school expenses. Kaaalis pa lang ni Tita kaya malabo pa ang padala.

Nawalan ako ng choice kaya ang magagawa ko na lang talaga, mag-ingat. In-assure naman ako ni Rain na safe ako kay Ian. Harmless daw ang new boarder. Ayokong maniwala pero dahil si Rain ang nagsabi, give up na ako sa tanungan. Ang maging observant at maingat na lang ang magagawa ko...

KUNG masamang tao si Ian Manzares, mapapahamak na si Sunshine bago pa matapos ang isang linggo. Nakikita niya sa lahat sulok ng bahay ang lalaki. Hindi lang ito basta nagkukulong sa sariling kuwarto-una niyang nakita sa kaninang mga nine AM. Wala namang ginagawa, nagmamasid lang sa kabuuan ng bahay. Ten AM, nasa living room na. Nakahilata sa sofa at nakatitig sa kisame. Mas malala pa ang asal kaysa kay Rain. Parang nasa sariling bahay lang. Quarter to eleven, lumabas na ng kuwarto si Sunshine para magluto ng lunch-naramdaman niyang nasa kusina na rin si Ian.

Mas gusto niyang kumilos mag-isa sa kusina kaya hinintay ni Sunshine na umalis muna ang lalaki bago siya mag-start sa pagluluto ng lunch.

"Ano'ng lulutuin mo?" si Ian sa kanya. Paglingon ni Sunshine ay may hawak ito na basong may tubig.

"Iniisip ko pa," sagot niya. "Mas makakapag-isip ako kung walang distraction."

"Hindi mo itatanong kung anong gusto kong lunch?"

"Hindi ko ginagawa 'yon," agap agad ni Sunshine. "Lulutuin ko ang gusto kong lutuin, kung hindi mo gusto, 'wag kang kumain. Ire-refund ko ang bayad mo for lunch-pero since hindi ka pa naman nagbabayad, ia-assume ko na hindi mo balak kumain dito."

"Dito ako magla-lunch."

"Bayad?" nakaangat ang isang kilay na inilahad niya ang kamay.

"Ano muna ang lulutuin mo?"

"May gusto ka bang kainin?"

"Inihaw na isda."

"Fry na lang. Bangus. Pahihirapan mo pa ako, eh."

"Gusto ko inihaw."

Tiningnan niya si Ian. Nakatingin din pala ito sa kanya kaya nagsalubong ang tingin nila. "Ang init na sa rooftop, ayokong mag-ihaw, 'no?"

"Ako na lang ang gagawa."

Umangat ang isang kilay ni Sunshine. "Sure ka?"

"Magkano'ng refund sa three fifty ko?" at ngumiti sa kanya. Mas nagiging charming ang loko kapag ngumiti.

"Fifty pesos."

"Fifty pesos lang?"

"Take it...or take it?"

Natawa na si Ian. Walang ibang choice. "Okay," sabi na lang nito.

"Ikaw sa kanin."

"Sure ka talaga? Baka sunugin mo 'tong bahay, ah?"

Nginitian lang siya ni Ian. Kumilos na ito, kinuha ang bangus na nasa lababo na at pinapalambot niya dahil galing sa ref. Medyo na-amaze si Sunshine sa kilos nito sa kusina. Hindi mukhang nagmamarunong lang. Tiyak ang bawat kilos nito. Halatang alam ang ginagawa.

Nang mga sumunod na sandali, nanonood na lang siya sa ginagawa ni Ian na paghahanda sa bangus.

Pagkaluto ng kanin, sumunod sa rooftop si Sunshine-pawis na pawis si Ian, seryosong binabantayan ang bangus. Hindi naman pala nito kailangan ng tulong kaya bumaba na lang siya para ihanda na ang mesa.

Sabay silang kumain ni Ian. Hindi na namalayan ni Sunshine na nakikipagkuwentuhan na siya sa lalaki na para bang matagal na silang magkakilala.

Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon