Bonus! Bonus! 😂
Hi everyone! Iniisip kong i-post na ng complete this week ang Heart Hour. Comment kayo para sipagin ako! 😁
BRO," si Ian na hinila pabukas ang pinto. Blangko at walang emosyon ang mukha ni Rain. Sa mata niya tumingin ng deretso ang kaibigan. Tahimik man si Rain, alam niyang may problema.
Dumeretso siya sa kusina. Kumuha ng wineglass at bagong alak. Inabot niya kay Rain bago siya bumalik sa careless na pagkakaupo sa sa sahig. Nakasandal siya sa gilid ng sofa. Uminom uli siya sa mismong bote.
Nagsalin din ng alak si Rain sa wineglass. Pinanood niya ang pagsaid nito sa alak bago ibinagsak ang wineglass.
"Nag-FB ka?"
Tumango si Ian. Uminom uli ng alak sa mismong bote bago nagsalita uli. "Nakita ko na ang nakita mo." Sinulyapan lang siya ni Rain. Nahuli pa ng mga mata niya ang pagtaas ng sulok ng bibig nito. Nag-refill ito at uminom uli.
Malakas na ang pagkakalapag nito sa wineglass. "Kailan mo pa ako ginagago?" Mababang-mababang tanong nito, naudlot ang paglagok niya ng alak. Ibinaba ni Ian ang bote at tiningnan si Rain.
Sa ilang segundong pagmamasid niya sa blangko nitong mukha, nag-come up sa isang desisyon si Ian. Tama lang na nagpunta ito sa condo. Tama rin lang na mainit ang ulo nito at halatang nagpipigil lang ng galit—kailangan niya si Rain, para saktan siya. Para naman may iba siyang maramdaman bukod sa bigat sa dibdib. Baka sakit ng katawan lang pala ang kailangan para maisip niya ang tamang gawin.
"Ano ba'ng alam mo?" balik niya kay Rain. Mababa at pantay rin ang tono.
"Ano'ng meron sainyo ni Sunny?"
"Ano'ng sabi ni Sunny?"
"Wala ako ngayon dito kung nakausap ko na si Sunny," sagot ni Rain. "Hindi pa rin umuuwi. Naka-off ang cell phone—"
"Nakita mo naman, okay siya, bro," agaw niya. "Kasama si Nath."
"Kakausapin ko ang gagong 'yon," si Rain uli. "'Wag niyang tatarantaduhin ang kapatid ko," sa mismong bote na rin tumungga si Rain. "Hindi mo sinagot ang tanong ko."
"Isa lang sa mga babae ko si Sunny," pantay niyang sabi. "Walang alam ang kapatid mo, bro. Masarap turuan. Bago ako umalis..." sinadya niyang ibitin ang pangungusap para ihanda na ang sarili. Kilalang kilala niya ang mga mata ni Rain—mas malamig, mas malalim na galit.
Hindi umimik si Rain, humigpit lang ang hawak sa bote ng alak at nagtagis ang mga ngipin. Hindi na siya magugulat kung mabasag na lang bigla ang bote at dumugo ang kamay nito.
"We had great sex," sinundan niya ng maliit na ngisi. "And it wasn't our first—"
"Tang ina mong hayop ka!" ibinato nito sa dingding ang may laman pang alak, kumalat ang basag na bote sa sala ng condo. Segundo lang ay hawak na ni Rain ang kuwelyo niya. Malakas na suntok ang tumama sa panga niya. Hindi natumba si Ian, napahawak siya sa sofa. Apat na suntok pa ang tinanggap niya mula kay Rain. Umiwas na siya sa pang-lima at lumaban na. Kailangan din niyang ilabas ang masamang pakiramdam.
Pagkakita pa lang niya sa magkayakap na picture nina Sunny at Nath ay naghahanap na talaga siya ng masasaktan. Dinaan na lang niya sa walang tigil na pagpapapawis kanina sa gym ang masamang mood. Pagkauwi niya ay alak naman ang pinagbuntunan ni Ian. Salamat sa pagdating ni Rain, may paglalabasan siya ng masama niyang tama.
Ilang minuto silang nagpalitan ng suntok. Nagtulakan at nagsuntukan uli. Manhid na ang mukha niyang may mga tama at nalasahan na rin niya ang sariling dugo. Ganoon rin si Rain. Naghiwalay sila, parehong hindi pantay ang paghinga. Mayamaya ay sinugod uli ang isa't isa at suntukan na naman—hanggang sa pareho na silang naubusan ng lakas. Saka lang sila tumigil at naghiwalay.
BINABASA MO ANG
Heart Hour (Published, 2016).COMPLETE
RomancePaano nga kaya kung may HEART HOUR ka sa bawat isang araw? Ito ay kuwentong Hugot ng mga UMAASA... NOTE: UNEDITED version.