35. Ice Cream

410 20 0
                                    

Ice cream moment. 8PM

"ANG bilis lang talaga ng oras 'no?" basag ni Sunshine sa katahimikan. Magkatabi sila ni Ian, nakasandal sa side ng kotse nito. Nasa tapat na sila ng gate ng bahay—hawak ang kanya-kanyang coned ice cream.

Pinili pala ni Ian na ipahuli sa listahan ng apat na simbahang pinuntahan nila ang Holy Rosary Parish sa Angeles City proper dahil may balak ito—tatlong restaurants ang pinuntahan nila para tikman ang menu. Umabot pa sila hanggang sa Balibago. Wala pa daw ang mga iyon noong college days nito at ni Rain.

Nang mapansin ni Sunshine na eight PM na, nagparamdam na siya kay Ian na gusto na niyang umuwi. Nag-suggest siyang mag-dessert sila ng ice cream. Gusto niya ng something sweet. Nabigla yata ang panlasa niya sa iba't ibang lasa ng pagkain. At itong si Ian, mga hindi ordinaryong luto pa ang nakakuha sa atensiyon. Wala na siyang nagawa kundi tumikim din para mapag-usapan nila ang lasa.

Paghinto ng kotse sa tapat ng gate nila, saka pa lang naramdaman ni Sunshine ang pagod sa buong araw na biyahe. Salamat sa ice cream, ang gaan pa rin ng mood niya.

"Gusto mong mag-save ng moment, Ney?"

"Ikaw na lang," balik ni Sunshine. "Nasa 'yo naman lahat ng kopya ng mga pictures natin, eh. Kung may ma-save ka ngayon, 'sama mo na rin sa mga photos na ginagamit mong pang-asar sa akin." Patuloy siya sa pag-ubos sa ice cream. "Ano'ng gagawin mo sa mga photos na 'yon? Sobrang dami nating kuha, 'di ba?"

"Ibo-box at itatago. May collection ako ng colorful boxes. Pictures lahat ang laman."

"Parang okay 'yon, ah? Kung may mami-miss kang place, iche-check mo lang. Color ng box ang clue mo kung saan kuha ang mga pictures—" napatigil siya nang maramdamang nasa gilid ng bibig niya ang darili ni Ian, nilinis yata ang kumalat na ice cream. Pagkabawi ng kamay ay deretsong nilinis nito ang sariling daliri ng dila at lips.

Umawang ang bibig ni Sunshine, napatitig sa mismong lips ni Ian. At nag-init ng husto ang pisngi niya nang mahuli nito ang pagtitig niya. Biglang binawi ng dalaga ang tingin.

"Pasok na tayo?" hindi pa man sumagot si Ian ay nauna nang naglakad si Sunshine. Siya na ang nagbukas ng gate—mabilis na sumunod si Ian para tumulong, inuubos pa nito ang sariling ice cream.

Iniwan nito sa kanya ang ice cream. Sumunod ang mga mata niya kay Ian na sumakay na kotse. Inilipat niya sa isang kamay ang dalawang cone para magawa niyang isara ang gate. Pagkasara ng gate, napatitig siya sa dalawang ice cream. Parehong chocolate flavor at halos pareho lang na paubos na. Alin na nga ba 'yong sa kanya?

Inabutan siya ni Ian na nasa may gate pa, palipat-lipat ang tingin sa dalawang ice cream na hawak.

"'Tanda mo kung alin 'yong sa 'yo?" tanong niya pagkalapit ni Ian. "Alin sa dalawa?" inilapit niya ang mga cones. Tiningnan naman ni Ian ang mga iyon, mayamaya ay natawa.

"Left hand."

"Sure?"

"Pero parang 'yong nasa right hand?"

Natawa na rin si Sunshine. "Ano? Kunin mo na 'yong sa 'yo!"

"Ikaw muna," sabi naman ni Ian. Halatang hindi na rin nito alam. Hindi pinag-isipan na dinala ni Sunshine sa bibig ang nasa right hand niyang cone. Ang nasa kaliwa ay inabot niya kay Ian. Ginawa rin nito ang ginawa niya. "This is yours," sabi ni Ian, hindi inaalis sa kanya ang mga mata.

"'Di nga? Bakit sure ka?"

"Sweeter." Parang naging naughty ang ngiti nito nang bumaba sa lips niya ang mga mata.

Ilang seconds na hindi nakahinga si Sunshine.

Ang bilis bilis ng heartbeat niya!

Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon