👻👻👻👻👻
She has the kind of smile that says "you don't know me, and you never will."
**Portal
Ako si Alkina, nagmula ako sa lugar kung saan ay punong-puno ng mga iba't ibang nilalang. Hindi ako ordinaryo dahil may kapangyarihan ako at mahika.
Kakaiba ako at ang lahi ko sa mga ordinaryong tao. Ginawa kami upang katatakutan ng mga tao. Ginawa kami upang pandirihan at itaboy ng mga tao. Ginawa kami upang maging kalaban hindi ang kakampi ng mga tao.
Ngunit ang aming pagiging bampira ay may limitasyon, nagiging bampira lamang kami kapag sumasapit ang sabado't linggo. Maliban lamang saaming kapangyarihan dahil pwede namin itong gamitin at dalhin kahit saan at kahit kailan dahil sabi ng pinuno ito daw ang magsisilbing gabay at proteksyon saamin sa mga kalabang aatake saamin.
Pati na rin sa mga taong may balak saamin.
Ang Silvius ay nahati sa dalawang mundo, kaming nasa ibabaw ay may mga malasakit parin kahit papano. Alam padin naming magpatawad at maawa sa mga nabibiktima.
Ngunit ang mga naninirahan sa tinatawag naming Underworld, sila talaga ang aming kinakatakutan kahit na katulad namin sila. Dahil sila ay mga walang puso at awa, sila ang mahirap kalabanin. Mga nilalang na hindi kayang kontrolin ang mga sarili. Malayo ang ugali nila saamin.
Sobrang layo...
Sa araw na ito, kaming magkakaibigan ay nakaharap ngayon sa isang bagay na nagsisilbing daanan namin patungo sa mundo ng mga tao. Papasok kami sa mundo ng mga tao hindi para atakihin sila, kundi para hanapin ang baliw na doktor na gumawa saamin. Ayon sa sabi ng aming Pinuno.
Tama nga kayo nag nababasa, ginawa lamang kami ng baliw na doktor kaya kami nagkakaganito. Hindi ko alam kung paano niya kami nagawa pero sa pagkakaalam ko, isang imbento lamang iyun na kumalat saaming lugar. Dahilan upang magkaroon kami ng mga katangian, mga nakakatakot na katangian.
Nakapagtataka dahil taon-taon namang nagpupunta ang mga nakakataas na nilalang dito sa Silvius sa mundo ng mga tao ngunit kami parin ang napili ng pinuno sa paghahanap sa baliw na yun.
Labing pitong taon palang kami pero kami na inuutusan. Hays.
Bago kami pumasok sa portal na ito, may ibibigay muna ang pinuno saamin. Isang marka na may simbolong puno. Ito daw ang nagsisilbing sinyales namin sa mundo ng mga tao, para malaman namin ang pagbawas ng isang buwan namin sa mundo ng mga tao.
"Excited na ako" sabi netong katabi ko na si Akemy.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl [COMPLETED]
FantasyShe's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL RIGHTS RESERVED 2017 Starts: December 11, 2017 Ended: March 22, 2018