Chapter 3

30.1K 881 32
                                    

👻👻👻👻👻

Maine West High School

"Sino sila?"

"Ang creepy nila ah"


"Pare, chicks yong mahabang buhok"


"Ang pogi nong matangkad"


"Mga transferee ba sila?"





Bulungan ng mga studyante dito. Pero hindi namin sila pinansin. Dumiretso na lang kami sa Principal Office. Paakyat na kami at hindi parin tumitigil ang bulungan ng mga estudyante.







Ganito ba sila kapag may bagong estudyante na pumapasok sa school nila? Geezz!






Hindi na ako nag abalang pansinin yun at ipinagpatuloy na lang namin ang paglalakad patungong office. Pagtapat namin sa may pinto. Agad ko naman itong kinatok.




"Pasok" utos ng isang boses sa loob kaya naman pinihit ko na ang doorknob. Pagbukas namin, isang nakangiti na Matanda ang bumungad samin.

"Bilis ah, kilala na niya tayo?" Nagtatakang tanong ni Eddy at alam kong ganun din ang gustong itanong ni Akemy.





Hindi ako sumagot sa halip ay nginitian lang silang tatlo.


"Magandang Umaga sainyo mga magong istudyante." pagbati ng Principal samin.

"Magandang Umaga rin sainyo Sir." bati rin namin at yumuko. Pero napatingin naman ako sa likuran ko ng makita ko si Akemy na hindi naka yuko.





Napansin niya sigurong tinitignan ko siya kaya agad itong yumuko.



"Ngayon na ba kayo magsisimula?" Tanong ng Principal saamin.

"Hindi pa po. Maglilibut po muna kami." nakangiting sagot ko at inalis ang pagkakayuko. Ganun din ang mga kasama ko.


"Oh sige. Libutin niyo muna at bukas na lang kayo pumasok. And by the way. Nasa right side ang mga kwarto na titirhan niyo." tugon ng Principal saamin.

Mysterious Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon