Chapter 52

8.6K 225 0
                                    

👻👻👻👻👻


Remove

Madami na kaming napapatay at napapatumba ngunit parang padagdag sila ng padagdag sa paglaban saamin. Nakikita ko ang mga kasamahan kong tila nanghihina na at pagod na pagod dahil humigit tatlong oras na kaming nilalabanan ng mga taga underworld.

Hindi talaga sila nauubos at tila dumadami pa sila. Anong klaseng labanan to? Matatalo na ba kami?


"Matatapos din ang lahat Luke. Matagumpay niyo itong matatapos." Natigil ako sa pakikipaglaban dahil sa narinig.

Nagpalingon lingon ako sa paligid ko kung kanino at saan nanggagaling ang magandang boses na yun. Ngunit wala akong makita kundi ang mga lumalaban sa magkabilang panig.


"Sino ka?" Tanong ko sa isipan baka salaking magpakilala siya. Tumagal ang ilang sigundo bago ko narinig ulit ang tinig ng isang babae.



"Makikilala mo rin ako." Sagot niya at tila naramdaman ko ang pag alis niya dahil sa kakaibang hangin na dumampi sa balat ko.



Ibig sabihin, hindi lang siya nasa isipan ko. Andito siya sa paligid?



Wala sa isip mo na si Alkina yun dahil kakaiba siya. Kakaiba ang mga tinig niya, at tila lumalakas ang buong katawan ko. Kaya naman nagpatuloy ako sa pakikipaglaban.



Ron POV



"WHOA! sino yun?" Laking gulat ko sa binabasa ko at inulit ulit ko pa yun dahil naguluhan ako sa kwento.



"Tss. Aning!" Hindi ko pinansin si Mark at nagpatuloy lang ako sa pagbabasa sa librong hawak ko ngayon.



May dumagdag nanaman kasing character sa kwento at hindi nila matukoy kung sino. Ganun din ako.



Sino yung babaeng kumausap kay Luke? Grabe, nakaka excite pala kwento ni Alkina e.



Dimon/Tatsy POV




Lumabas ako ng kwarto ni Alkina upang hanapin ang mga kapwa ko Guardian. May dalawa na akong kasama at hinihintay na lamang namin ang iba.



Gusto kong tulungan sina Luke ganun na din si Alkina na makapasok muli sa Silvius. Nararamdaman kong may mangyayaring hindi maganda sa lugar na yun kapag wala si Alkina dun.



"Anong maaari naming gawin?" Napaangat ako ng ulo at nakita ko si Flarry kasama ang ilang guardian.



Mysterious Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon