Chapter 35

11.4K 329 1
                                    

👻👻👻👻👻

Big Deal







Una palang sinundan ko na siya. Hanggang sa natuklasan ko na lang na siya yung babae sa kwento. Hanggang sa malaman kong kaklase ko pala siya. Nakaramdam ako ng saya nun, nakakabakla diba? Pero totoo naman.








Nakakaramdam ako ng kakaiba tuwing nakikita ko siya. Hindi dahil siya yung nasa kwento.






Parang, parang......Mahal ko na siya?






WHAT?! ANO BANG NASASABI NG UTAK KO?! SHT.







Alkina POV







Andito na kami sa classroom ni Ron. Pinagtitinginan pa kami ng mga kaklase ko na ipinagtaka ko. Itutukoy ko na sana ang maglakad papasok nang maalala kong.....






MAGKAHAWAK PALA KAMI NG KAMAY!


Binitawan ko yun agad at binigyan siya ng masamang tingin. At nagpatay malisya naman tong si Ron na nagkukunwareng may tinitignan sa cellphone niya.




"Anong ibig sabihin nun?" Natigilan naman ako nung nag tanong si Drei saakin habang gulat na nakatingin saamin.





Hindi ako agad nakasagot sa halip ay pinandilatan ko siya ng mata upang magbigay sinyales na wag na niyang itanong.





"Wa-wala. Ini-----KAYO NA BA?!" Pakalakas lakas ang boses na tanong ni Mark na andito rin pala sa loob kasama ang dalawang Ice cream.





Tinignan ko naman ang gawi ni Ian na tila may ibang tinitignan.







"Woy! Hindi ah." Yun na lamang ang nasabi ko dahil hindi ako makasagot ng maayos.





Wolo ngo koso yon. Onobo!







"Sus deny pa, magkahawak kayong kamay eh. Ano bro? Bumigay naba kayo sa isa't isa." Pang aasar saamin ni Jarold kaya tumingin ako sakanya ng masama.







Agad naman niyang tinakpan ang bibig niya sabay tingin sa ibang direksyon.







"Ayiiie. Lumalablayp si Beshy!" Pang aasar din ni Drei saakin.






Isa pa to eh. Tuktukan ko kaya?








"Pwede ba? Wala lang yun. Iniligtas lang niya ako kila Nica." Sabi ko sakanila at umupo sa upuan ko.








Mysterious Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon