Chapter 39

9.2K 265 2
                                    

👻👻👻👻👻

Something Strange

Nang makuha ko ang phone na yun ay lumingon muna ako sa gawi ng pinto ni Alkina bago ko ibinalik ang tingin doon sa cellphone.


"AY DEMONYO!" nasigaw ko sabay takip ng bunganga at dahilan para mahulog yung cellphone.



Este isang bagay na hindi ko maintindihan. Para siyang mirror na maliit na may mga nakapalibot na kung ano ano. At may red bottom doon.

Titig lang ang naibigay ko doon sa isang bagay at hindi ko to kayang kunin pa kaya patakbo akong pumunta doon sa kwarto ni Alkina para e inform siya sa bagay na yun. Pero napatigil ako sa may tapat mismo ng pintuan ni Alkina dahil tila may nag uusap. O di kaya mayroong kausap si Alkina sa kwarto niya.

Nagtaka naman ako kung sino ang kausap niyang iyon kaya mas minabuti ko munang sumandal sa may pintuan at inilapat ang tenga ko para marinig ko kung ano yung usapang iyon.





"Subukan mong lumapit!"  yun ang unang narinig ko at sandali nga lang, si Alkina yun ah? bat parang iba yung boses.

"Wahahaha! Hindi muna sa ngayon. Pero babalikan kita. Babush." Napaatras ako sa mga narinig ko mula sa kwarto ni Alkina.






Hindi ordinaryong boses ang naririnig ko sa loob. Napaka lalim at parang ang sagwa pakinggan.

May kakaibang nangyayari dito sa loob eh. Bigla na lang akong kinilabutan kaya tumakbo ako palabas ng dorm namin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero bahala na basta makalayo ako doon.



"Ouch!" Nasigaw ko doon sa bumangga saakin.



Puta. Ang sakit sa dibdib!


"Drei." Gulat na tanong ni Ron pala na bumangga saakin.

"Ron!" Nabibigla na ako sa mga nangyayari eh. Feeling ko andiyan lang sila sa tabi tabi.


Jusko! Kailan pa ako nagka third eye?!


"What happened?" Tila nag aalalang tanong saakin ni Ron.

"Sa...sa...sa... Do-dorm!" Nabubulol na rin ako. Gago ka Drei umayos ka.

"Bakit anong meron?" Natatarantang tanong saakin ni Ron.

"Si...si Alkina." Nasagot ko na lang akmang tatakbo na si Ron ng mahila ko ang tshirt niya dahilan para matigil siya sa pagtakbo.

"Ano?" Tila naiinis niyang tanong.

"Huwag! Ma...may De-demonyo dun." Pagkasabi ko non. Napaayos ng tayo si Ron at gulat na gulat ang expression niya.

"A..anong ibig mong sabihin?" Pati siya bulol na rin ganun?

"May kakaiba sa dorm na yun. Yung cellphone ni Alkina. Pa..pati yung Kausap niya. Please! Huwag kang pumunta don." Sagot ko sakanya.

"Baka hindi si Alkina yun. Baka magnanakaw." Sabi ni Ron at akmang aalis nanaman.

"Si Alkina yun! Siya lang naman ang kasama ko sa Dorm na yun. At yung mga boses nila kakaiba. Parang ang lalim." Nasigaw ko na lang. At bumagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan

"Anong nangyayari dito guys?" Tanong ng kung sino kaya pareho kaming dalawa ni Ron na napalingon doon.

At nakita ko ang tatlong unggoy. Nabaling ang tingin ko kay Mark na ngayon ay nganga habang may subong pagkain.


"Gago ka! Anong ginawa mo kay Drei?! Bat yan umiiyak?" Sigaw ni Mark dito at umingay yun sa buong hall.


Akmang lalapit si Mark kay Ron ng mapigilan siya ng iba.


"Tara sa Dorm ko." Sabi ni Room at hinila niya ako palayo doon sa Tatlong ugok na yun.


Lumingon pa ako sa gawi ng tatlo at si Mark talaga yung napansin ko. Galit siya na parang nag aalala. Ang akala niya siguro inano ako netong isang ugok na to ih.

Diko namalayan andito na pala kami sa Dorm nila Ron at isinarado niya ang pintuan.


"Now. Tell me what happened?" Tanong niya ulit saakin kaya napa roll eyes na lang ako.

"Nasabi ko na kanina diba?" Naiinis na ako dito. Buti na lang nagpigil agad luha ko.


Agad naman siyang tumayo at pumasok sa isang kwarto. Siguro kwarto niya yun at paglabas niya may hawak na siyang sobrang kapal na libro.

Napaismid naman ako dahil sa sobrang seryoso niya magkalikot doon sa librong iyon.


"Wala akong gana sa story telling mo." Matamlay na tugon ko at akmang tatayo na ako ng magsalita si Ron.

"Tutal. TUNAY ka namang kaibigan ni Alkina kailangan mo sigurong malaman ang bagay na ito." Yun bang parang diniinan niya yung salitang TUNAY.


👻👻👻👻👻
Don't forget to vote, comment and share.
Fb: Howlers WP

Mysterious Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon