👻👻👻👻👻
Dimon/Tatsy
Goodbye My Friend
Magsasalita na sana si Mirna ng Lumipad pataas si Alkina at tinapatan ang reyna ng underworld. Kumilos naman si Tatsy at tinggal ang humaharang sa pagitan nilang Thunders Wall.
"I'm Alkina, The Princess of Light Divine!" Halos lahat ay nagulat sakanilang narinig. Ganun narin ang mga nasa loob ng Barrier.
"Alam na niya?" Tanong ng Nanay ni Alkina kila Edward na punong puno ng gulat sa mukha.
Ganun na din si Luke at ang Pinuno. Hindi inaasahan ng lahat na malalaman niya yun sa mismong labanan kaya naman tumingin si Luke kay Tatsy at Mirna. Nagulat din si Samarra sa narinig.
Bigla na lamang ito, naglabas ng makapal na itim na usok at nagsimula ng mamula ang kanyang mata. Hindi lang ang Queen, kundi ang lahat ng mga taga Underworld.
Habang tinitignan ni Alkina ang lahat, may isang bagay siyang naalala.
"Luke!" Buong lakas netong sigaw. Ramdam ni Luke ang kaba at takot na nararamdaman ni Alkina kaya naman dali-dali itong lumapit sakanya.
"Si Akemy!" Sabi ni Alkina. Nanlalaking mata naman si Luke dahil alam na nila kung ano ang ibig sabihin ni Alkina.
Magteteleport na sana si Alkina papasok ng barrier ng hawakan siya ni Luke na tila nagsasabing gusto niyang sumama. Agad namang umiling-iling si Alkina, kaya naman binitawan na niya ito.
Nilalabanan ng tatlo ang mga taga underworld kasama ang libo libong guardian.
"Gawin na natin" sabi ni Mirna sa dalawa ngunit pinigilan ito ni Luke.
"Sandali lang." Nag aalala netong tugon at lumingon ito sa loob ng Barrier at nakita niya ang paglalaban ng dalawang magkaibigan.
Dahil alam ng lahat na si Akemy ay pamangkin ng pinuno sa Underworld at ito ay may pure black magic. Ang pagpula ng mata ni Queen Samarra ay nakokontrol niya ang lahat ng kalahi niya. Kaya naman pati si Akemy ay nakokontrol na ngayon ng Reyna.
"Wala na tayong oras!" Bulyaw sakanya ni Mirna.
Pumatak ang butil ng tubig sa kanyang pisngi at binitawan ang Reyna at kasabay neto ang pag yuko.
"Pasensya na Luke, pero wala na tayong magagawa. Ang kalaban ay kalaban, ang lahi ay lahi. And we will fight for victory. Accept it." Pagtatahan sakanya ni Mirna.
Alam kasi neto na mangyayari ang bagay na yun kay Akemy. Naaawa si Luke sa kanyang matalik na kaibigan mula pa noong pagkabata. Bumalik ang lahat ng kanilang ala ala mula pa noong bata sila. At hindi niya ito mapigilang maiyak.
"Tara na, simulan na natin" sabi neto at lumipad pataas kasama si Tatsy. Walang ibang ginawa si Luke kundi ang sumunod kahit na mabigat ito sa pakiramdam niya.
Pumwesto ang tatlo sa taas habang magkakahawak ang kamay.
"Magagawa ba natin to ng wala si Alkina?" Tanong ni Tatsy kay Mirna.
"Oo." Tipid netong sagot at nagpalabas ng Elemental ball.
"Akemy! Makinig ka!" Sigaw ni Alkina sa kaibigan niya ngayon.
May mga ilang nasaktan si Akemy sa loob ng barrier at pati na rin sa kaibigan niyang si Edward. Pilit pinapatahan ni Alkina ang galit na galit na si Akemy dahil sa black magic na ginawa ng reyna kasanila.
"Akemy! Hindi.mo.kami.kalaban." dahan dahan netong sambit. Ngunit nagbato lamang ng apoy si Akemy sa gawi ni Alkina.
Madami na ring sugat at daplis si Alkina sa katawan dahil sa kagagawan ni Akemy.
"Please Ak----"
Napatigil at napayuko ang lahat dahil sa isang pasabog na kanilang narinig. Laking gulat ni Alkina ng makita ang isang napakalaking elemental ball na humihigop sa ano mang may Black Magic.
"Itigil niyo yan!" Sigaw ni Alkina at kasabay nun ang paglingon sa nakatayong si Akemy.
Pumatak ang daang-daang luha sa kanyang mata dahil naiisip neto na wala na siyang magagawa kapag nailabas na ang pinakamalakas sa elemental ball sa lahat ng kapangyarihan.
"Please itigil niyo yan!" Umiiyak na tugon ni Alkina. Ilang saglit pa ay, tumilapon si Alkina sa ibang parte dahil sa kagagawan ni Akemy.
Nanghihina namang bumangon si Alkina, pero patuloy parin ang pag iyak.
"Please, kaibigan kita. Magkakaibigan tayo. Iti----"
Natigil nanaman si Alkina sa kanyang sinasabi dahil tinapunan ulit siya ng Fire Ball. Narinig ng lahat ang pagsigaw ni Queen Samarra. At nanlalaki ang mga mata ni Alkina dahil nakikita niya na ang usok sa katawan ni Akemy dahil hinihigop na siya ng Elemental ball.
Wala ng nagawa si Alkina kundi ang pagtitig niya sa matalik niyang kaibigan na ngayon ay hinihigop na ng isang elemental ball.
"Masaya ako't naging magkaibigan tayo sa kabila ng lahat." Sambit ni Alkina habang lumuluha.
"Akemyyyyyy!" Sigaw naman ni Edward at pilit lumapit sa nawawalang si Akemy.
Pumasok ang tatlo sa barrier at isang malakas na ilaw at pagsabog ang nangyari.
👻👻👻👻👻
Don't forget to vote, comment and share.
Fb: Howlers WP
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl [COMPLETED]
FantasyShe's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL RIGHTS RESERVED 2017 Starts: December 11, 2017 Ended: March 22, 2018