Chapter 16

14.2K 415 7
                                    

👻👻👻👻👻

Confessing








"Hello! May tao ba diyan? Ka dorm mo ako. Transferee lang" sabi ng isang singkit na boses mula sa labas ng dorm.








Wait lang. Ka dorm ko? Eh si Luke ang ka dorm ko. Letse.








Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit may babae dito? Hindi na ba babalik yong tatlo.









Oh baka naman ginamitan nila ng spell ang buong skwelahang to para makalimut sila. Humanda talaga sila sakin.










Tumayo ako mula sa pagkakaupo at dahang-dahan na lumapit sa may pintuan. Kasabay nun ang unti unti kung pag pihit nun at nang malaman kung bukas na agad akong nagteleport sa kwarto ko.






Pinakinggan ko ang mga sinasabi niya na animo'y natataka.






Magtataka ka talaga.








Nakaramdam ako ng pag gutom kaya napahaplos ako sa tyan ko.







Nagugutom na ako tae. Makalabas na nga ng dorm. Syempre, teleportation all the way.







Naalala ko naman kung gano kaadik si Ed sa teleportation.








At sa isang iglap nasa labas na ako ng school. Nag suot lang ako ng damit na hindi kita ang buong katawan ko. Para di makahalata ang mga taong makakasalamuha ko.









Habang naglalakad, naghahanap naman ako ng pwedeng makainan gamit ang mahika ko.








Mini Mart. 5 mins.







Nag hanap ako ng lugar na walang tao at agad naman akong nagteleport patungo don sa Mini Mart na yon.






Ano kayang meron dito?








Nasa harap naman ako agad ng Mini Mart. Pagpasok ko, napaatras ako bigla.






Ang sikip ng bilihan na to pero ang daming tao.








Pumasok na ako don at naghanap ng makakain. Kumuha naman ako ng isang Cup Noodles, dalawang burger, tatlong Chips at Maiinom.








Pumunta na ako sa counter kuno? Para magbayad. Syempre alam ko na to dahil isang buwan ko ba namang kasama ang Ice cream boys na yon.








Panay ang gala at ayaya saakin ng mga yon e.








"Ito na po bili niyo Miss. 120 pesos po" sabi nong counter at kumuha naman ako ng pera mula sa bulsa ko.








Mysterious Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon