Chapter 31

12.3K 366 28
                                    

👻👻👻👻👻

I know everything






"Aga ng pamamasyal mo ah" nakangiting pahayag niya.





Ako naman nabalik sa ulirat dahil sa biglaang pagsalita niya.






"Ah eh. Hehe, oo eh. Naboboring ako sa dorm" sagot ko sakanya at ibinaling ang tingin ko sa ibang direksyon.







"Dapat nag papahinga ka ngayon. Hindi ka ba napagod kahapon sa pageant?" Tanong niya saakin.





Nag aalala ba to sakin?






Napalingon naman ako sa kanya at sinimulan na naming maglakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, bahala na ang mga paa namin.






"Wow ha. Hindi naman, eh bat ikaw ba?" Tanong ko sakanya.






"Hindi rin." Sagot naman niya saka siya ngumiti saakin.






*dub* *dub* *dub*






Bigla na lang akong napahawak sa puso ko dahil sa lakas ng tibok neto. Dahilan upang tignan ako ni Ron







Umaano naman to? Bat bigla na lang tumitibok? Tss






"May problema ba?" Tanong saakin ni Ron na tila nag aalala.





Hindi ko alam pero tinignan ko siya dahil sa inaasta niya ngayon. Hindi ko naman magawang basahin ang utak niya dahil...






Wala naman akong pake diyan. Hmft!





"Ah wala lang. Biglang lang kasi lumakas yung tibok ng puso ko" nag aalinlangang sagot ko sakanya.

Hindi siya kumibo at nagulat ako sa biglaang katahimikan kaya napatigil ako at lumingon sakanya. Nanlalaki ang mata niya at nakangiti at the same time.





Hala!





"Tumitibok yang puso mo ng malakas tapos namumula pa yang mukha mo. Haha" natatawang tugon ni Ron na ikinagulo ng utak.







Ako naman natameme lang. Ano daw? Hindi ko maintindihan.






"Huh?" Yun lang yung nasabi ko pero imbis na sagutin niya, naglakad lang siya ng tuloy tuloy.






Mysterious Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon