Chapter 45

9.6K 266 5
                                    

👻👻👻👻👻

Basketball Game

Nakatanggap ng apat na batok si Mark dahil doon sa sinabi niya. Halata mo sa mukha ni Tatsy ang sobrang pandidiri.




"Walang talo talo Mark." Sarkastikong tugon ni Drei at nagkibit balikat.




"Mga uto uto!" Sabi ni Mark at nauuna ng pumasok sa loob ng Gym.




Tumingin naman ako kay Ron na seryosong tumititig kay Tatsy ngayon.




"Inlove kana din?" Pagbibiro ko sakanya.




Pero imbis na magsalita ay tumalikod na ito at sumunod na kay Mark sa loob ng gym.




Napatawa naman ako ng mahina dahil doon sa reaksyon niya. Pumasok na din kami sa Gym at tumambad saamin ang napakaraming tao.




Magkahiwalay ang bawat school kaya malayo kami sa mga taga North.




Hays sa wakas.



























Napakaingay, sobrang lakas ng mga hiyawan at sigawan dito sa loob. Nagsilabasan na din sila ng mga banner.




Si Drei walang humpay ang sigaw. Nasa kalagitnaan na kasi ang laro at tie ang dalawang team kaya mas lumakas ang sigawan dito.




Bagot na bagot naman ang katabi kong si Tatsy na parang hindi naaaya sa pinapanood.




"Uy, are you okey?" Tanong ko sakanya. Sumagot lang siya ng pabalang na ngiti kaya ibinalik ko na lang ang atensyon sa mga nag lalaro.




"North ang nanalo last year. Dapat west naman ngayon." Seryosong tugon ni Drei. Hindi na ako umimik pa sa sinabi niya.




Mananalo naman siguro.



























Gusto ko ng lumabas. Yung ingay kanina, nadagdagan pa yun ngayon. Kunbaga, x4 na. Huhuhu




"Hey are you okey?" Napataas naman ang kilay ko dahil sa tanong ni Tatsy. Parang kanina lang nong ako ang nagtatanong sakanya non.




Ngumiti lang ako bilang sagot, siya naman tong busy sa panonood at tutok na tutok ngayon.




Last quarter na ang laro at 10 ang lamang nila. Kailangang humabol ang West sa mga North kaya naging mainit ang labanan.




Sana North ang bola at isoshoot na sana ito ng maagaw ng mga West kaya muling nagsigawan ang mga Westians.




Hindi naman kami nabigo dahil nashoot ni Ian. Oo siya yung nakashoot non.




Nasa West ang bola pero naagaw ng North. Hanggang sa naagaw ulit to ng West at si Jarold pala.




Agad niya itong shinoot at boom! 3 points.




Panay ang sigaw at talon ni Drei dahil doon. Lima na lang ang lamang kaya lumalakas na din ang tibok ng puso ko.




Parang kanina lang kasi noong hirap humabol ang West sa North. Nagkagulo pa dahil may nabangga ang North sa mga west.




Nakaka excite pala ang larong to ah.




Nabalik ako sa kasalukuyan ng biglaang sumigaw nanaman ang mga Westians. Mukhang na shoot uli nila ito at 3 points na lang ang natitira. At yung oras, 8 seconds na lang.




Lumakas ang tibok ng puso ko kaya naipikit ko na lang mga mata ko na parang ayaw yun makita.




Ilang oras ang lumipas at tila tumahimik ang buong gym. Nagtaka naman ako kaya iminulat ko ang mga mata ko.




At bumungad saakin ang mga mata nilang nakatingin saakin. Tila napako ako sa kinatatayuan ko dahil baka may nagawa akong mali.




"Beshy." Tawag saakin ni Drei at nalingon ako don.




Tila may itinuturo siya sa likuran niya kaya napatingin ako doon.




Nakita ko si Ron na naka hawak ng bola at bigla na lang niya akong kinindatan sabay harap sa ring at binato ang bola.




Tila nag slowmo ang lahat at kay Ron na ako nakatingin ngayon. Hindi ko na napansin yung laro.




Narinig ko ang sigawan ng buong gym at mas lumakas pa yun. Hindi ko alam kung bakit pero natahimik bigla ako dito at nakatitig sa isang lalaking nag ngangalang Ron.




Lumakas ang tibok ng puso ko at nag iinit ang pisngi ko. Muli akong tinignan ni Ron at ito ay ngumiti.




Hindi ako makapag react, ayaw makisama ang katawan ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon dito sa loob.




What was that?




👻👻👻👻👻
Don't forget to vote, comment and share.
Fb: Howlers WP

Mysterious Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon