👻👻👻👻👻
The Good Side Of Him
Pagkatapos ng nangyari kanina. Umalis na ako don at kasalukuyan akong naglalakad ngayon dito sa hallway.
"Lunch na pala. Bat andito pa rin tayo sa room?" Narinig ko ang sinasabi ng babae mula sa loob ng classroom namin at tila siya ay naiinis.
Napatago agad ako sa isang sulok ng makita ko yung apat na coloring book.
Ginamitan ko kasi sila ng Spell kanina sa rooftop para hindi din nila maalala yung nangyari.
Binura ko din ang memorya nila dahil sa nangyari kanina. Nakita ko kasi kong panu nanlaki ang mga mata nila sa mga nakita nila.
Buti na lang at napigilan ko si Akemy. Ganun kasi ang mahikang meron siya. Pag may naamoy siyang dugo. Dugo ng kalahi niya.
Bigla na lang siyang aatake sa mga kalaban. At nagiging pula ang dalawang mata niya.
Pag ganon, makakapatay siya ng di oras. Kaya buti na lang at napigilan ko.
Nakaupo ako ngayon sa upuan ko dito sa room. Ako na lang ang naiwan dito kasi lunch time na pala.
Tutal wala namng tao dito sa room. Ginamit ko na ang mahika ko at pinagaling ang mga sugat at pananakit ng katawan ko.
Nawala naman agad yon. Tumayo na ako at akmang lalabas na ng may isang bagay na nahulog yata sa likod kaya nilingon ko yon.
Mutik pa akong natumba at buti na lang nakahawak agad ako sa may pintuan.
"Ron. Andyan ka pala" naging tanong ko ng makilala ko kung sino ang taong yun.
Andon kasi siya sa likod at nakatingin siya saakin ngayon ng walang emosyon.
Nakita niya kaya?
Kita mong kagigising lang niya kasi yong pulang buhok niya nahaharang sa mga mata niya.
"Ma-mauuna na ako" nanginginig na paalam ko sakanya at dali daling lumabas.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl [COMPLETED]
FantasyShe's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL RIGHTS RESERVED 2017 Starts: December 11, 2017 Ended: March 22, 2018