👻👻👻👻👻
SumpaThird Person POV
May kanya-kanyang mundo ang bawat isa. Ang isa ay nakikipaglaban kasama ang dalawang kaibigan at ang buong silvius. Habang ang isa naman ay nakikisaya at ipinagdidiwang ang pagka panalo kasama ang apat na kaibigan. At ang isa naman ay naglalakbay lamang kasama ang isang matalik na kagaya niya guardian.
Ngunit kahit na hindi magkasama sina Dimon o mas kilalang Tatsy at si Alkina ay pareho itong napatahimik sa kanilang kinaroroonan. Isang bagay ang hindi nila inaasahang mangyayari sakanila.
Tinignan ni Alkina ang kanyang braso at laking gulat neto na makita itong dumudugo at napansin niyang tila nadaplisan ang kanyang braso. Ganun na din ang gulat ni Dimon na makita ang kanyang braso. At ang alam neto ay ang Prinsesa ang nagmamay ari sa sugat na iyon. Kaya agad itong lumipad kasama ang kaibigan at nag punta sa kinaroroonan ng prinsesa na si Alkina.
Napansin rin ng kaibigan niyang si Ron na tila may ibang ikinikilos ang Dalaga kaya agad niya itong pinagmasdan kahit na kinakausap siya ng mga kaibigan niya.
"May sugat na kaya siya sa braso?" Tanong ni Ron sa kanyang sarili.
Alkina POV
"LADY! ARE YOU OKEY?" napalingon ako sa pintuan ng Resto na ito dahil sa may nagsalita. Nagtaka naman ako ng makita ko si Tatsy na puno ng pag aalala at mas nadagdagan pa ang pagtataka ko ng bigla niyang kuhanin ang braso ko at tinignan ang sugat ko.
May alam ba siya ?
"May dapat ba akong malaman Tatsy?" Bulong ko sakanya. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa loob ng Resto.
Bumuntong hininga si Tatsy at may ibang tinitignan. Agad niya akong hinila palabas ng resto at dun ko lang din napansin na may kasama pala siyang lalaki na hindi ko kilala at ngayon ko lang din nakita.
"Ano bang nangyayari ? Bakit may ganito ak----" Natigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong may pula sa puting damit ni Tatsy. Sa may bandang braso din.
"Sabihin mo! Anong nangyayari?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at feeling ko nag iinit ang buong katawan ko.
"Nagsimula na ang labanan." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya.
"Pinag titripan mo ba ako? Matagal ng nagsimula. Linawin mo nga!" Mula sa pag titimpi ay hindi na ako nakapag pigil sa galit. Pagkatapos kong sabihin yun ay agad na nag ilaw ang puti kong mga mata hudyat na nagagalit ako.
Hindi ko nakitaan ng takot at kaba ang dalawang kaharap ko ngayon. Nasa isang tago kaming parte sa resto na ito kaya walang makakakita saamin.
"Kasalukuyan ngayong nilalabanan nila Luke ang mga taga Underworld.....dahil.....da-dahil dun nag simula ang digmaan." Natigil ang pag iilaw ng mata ko at napa atras ako at the same time. Bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba at takot sa narinig ko.
"Pe-pero. Ano tong nangyayari saatin?" Tanong ko sakanya at pinakita ang sugat ko sa braso. Bumuntong hininga siya at lumingon siya sa kasama niya. At agad naman niya itong binawi kasabay ng pagtingin saakin ni Tatsy, mata sa mata.
"Ikaw." Panimula niya. Lumapit pa ako sa kanya upang malinawan ang sagot niya.
"Ikaw......ako....at." Wtf! Bakit ang tagal niyang sabihin?! May tinatagi ba ito saakin?!
"At si Luke." Nawala ang emosyon sa mukha ko at feeling ko nag iinit na ang pisngi ko dahil sa naguguluhan ako.
"Bakit si Luke?" Tanong ko sakanya na puno ng pagtataka.
"Ikaw, ako at si Luke ay may iisang katawan lamang." Sagot ni Luke.
"Huh/Ano?" Halos sabay naming tanong ng kasama ni Tatsy na si Flarry pala at may water element. Nalaman ko sa pagbabasa sa kanyang katauhan. Isa rin pala siyang guardian kagaya ni Tatsy.
"Kung masasaktan si Luke. Masasaktan din tayong dalawa. Ganun din saakin, kapag naputulan ako ng kamay mapuputulan din kayong dalawa ni Luke. Pero kapag namatay kaming dalawa ni Luke, hindi ibig sabihin nun ay mamamatay na kami. Pwede pa kaming mabuhay gamit ang buhay mo." Mahaba nitong paliwanag.
"Pero kapag ikaw ang namatay. Patay din kaming dalawa ni Luke at hindi na muling mabubuhay. At yan ang sumpa sa kwintas na yan." Napalaki ang mata ko sa sunod niyang paliwanag.
Hindi pwede!
👻👻👻👻👻
Don't forget to vote, comment and share.
Fb: Howlers WP
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl [COMPLETED]
FantasyShe's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL RIGHTS RESERVED 2017 Starts: December 11, 2017 Ended: March 22, 2018