Chapter 7

21.7K 649 33
                                    

👻👻👻👻👻

Reyna



Naglalakad ako ngayon sa hallway patungong classroom. Nagulat na lang ako ng biglang may humila saakin sa isang sulok.


Naramdaman ko ang mahika kong dumadaloy sa mata ko pero agad ko rin yun itinigil dahil hindi pwedeng may makakita na may kapangyarihan ako.

Isang lalaking may talukbong sa kanyang ulo dahilan upang hindi ko makilala.







"Hi." Sabi niya.

Akmang tatadyakan ko na ang paa niya ng bigla na lang siyang umalis sa pagkakayakap at agad na umalis.


Gago.







Hindi na ako nag abalang kilalanin kung sino ang gagong yun dahil mukhang male-late na ako sa next sub namin.

Makikilala rin kita, manyakis.





























**

Pagpasok ko ng room, boses agad nung babae ang narinig ko.

"Well. Well. Andito na ang Gluta Girl" sabi nong coloring book.


Gluta? Anu yun?







Tumaas ang dalawang kilay ko dun sa hindi ko kilalang salita.

"Aba. Tinaasan ka ng kilay oh" tila nagsusumbong na tono ang babaeng kasama niya.


Uupo sana ako pero lumapit saakin yong apat na coloring book at bigla na lang akong hinila ng isa ang mahaba kong buhok dahilan upang mapatingala ako.


"Hindi mo ba ako kilala?!" Tanong niya saakin habang may galit sa kanyang boses.

Hindi ako nagsalita at hinintay ang sunod na sasabihin niya.


"Ako lang naman ang reyna sa School na to!" Galit na sigaw niya at agad na binitawan ang pagkakasabunot niya saakin.

Reyna? Totoo ba yung narinig ko?





"Yan ang napapala ng mga makakapal ang mukha" sabi niya at umalis na sa harap ko.

Anong kinapal ng mukha ko sa ginawa ko? Saan don? Saan?

Mysterious Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon