Chapter 6

22.9K 671 22
                                    

👻👻👻👻👻

Coloring Book

"Well. Well. Well. Kayo pala ang mga transferees?" Tanong ng isang babaeng punong-puno ng ibat-ibang kulay sa kanyang mukha.

Make up?








"Ye" bored na sagot ng mga kasama ko.

Akmang aalis na kami sa harap nila ng bigla nila kaming pigilan.


"Hep! Hep!" Pagtitigil saamin ng isa.


"Huray!!" Pamimilosopo namin dahilan upang ang ibang istudyante dito ay nagtawanan


Bat sila natatawa?








Tumingin ang babaeng nasa gitna sa mga nagtatawanan kaya naman natigil sila sa pagtawa. Kasabay non ang pagbalik ng tingin saamin, isang nakakamatay na tingin.

"Hindi niyo ba kami kilala?" Tanong saamin ng isang babaeng nasa harapan namin.


Nagkatinginan kaming magkakasama sabay iling dahil hindi naman talaga namin sila kilala.





"eh kami kilala niyo?" Poker face na tanong ni Akemy sa apat na babaeng kaharap namin.

Mabilis din silang umiling iling bilang pagsagot na hindi.


"edi it's a tie" pamimilosopo ni Eddy kaya bumuo nanaman ng tawanan sa paligid.


Hindi na namin hinintay pa ang sasabihin niya kaya naglakad na kami palayo sakanila. Nakarinig pa kami ng ibang bulungan pero mas pinili na lamang naming hindi pansinin iyon.






































**

Si Eddy na lang ang kasama ko ngayon at kasalukuyan naming hinahanap ang Room ko, sobrang lawak netong school building nila.

Room 38 ako at nasa 25 pa lang ako. Nako panigurado malalate ako sa first class ko.








Gusto ko mang gumamit ng mahika ngunit sobrang dami ng tao sa buong hallway.


"Mauuna na ako. Malapit kana e" pag papaalam ni Eddy saakin at dali-daling umalis.


Magrereklamo pa sana ako nang mapansin ko ang isang classroom. "Room 38-Pearl" basa ko don sa section tag na nakalagay.


Andito na pala ako.








Rinig na rinig ko ang ingay mula sa classroom na papasukan ko pero bigla na lamang sila natahimik at lahat ng mga mata nila ay nasa akin na.

Mysterious Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon