👻👻👻👻👻
A/N: Ito po si Queen Samarra (Power of Shadow Dimonic)
The Three Light
Napakaingay ng tawa niya at rinding-rindi na kami. Mula paglabas niya sa isang butas na nagawa ng lupa dito sa Silvius, tumatawa na siya.
"Fvck! Kailan ba yan titigil?!" Naiinis na tanong ni Edward sa tabi ko.
"MGA KAWAWANG NILALANG! NAUUBOS NA KAYO NGUNIT WALA PA ANG TAGA PAG LIGTAS NIYO. WAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tila iniinis niya kami sa sinabi niya.
"IKAW LEO, TULUNGAN MO NAMAN ANG MGA ALAGA MO. WAHAHAHAHAHAHA" Naiinis na talaga ako sa mga sinasabi niya. Pati ang pinuno, hindi na niya pinalampas.
"Ano bang kailangan niyo saamin?!" Nabaling ang atensyon ng lahat ng may magsalita. Laking gulat ko ng nasa harapan na pala namin ang....
Ang kapatid ni Alkina.
"WAHAHAHAHAHAHAHA! SINO KANG BATANG PUSLIT KA?!" ginamitan ng itim na mahika ni Queen Samarra si Abby, ang kapatid ni Alkina.
Nataranta kami sa ginawa niya dahil umaangat na si Abby dahil sa itim na usok na pumulupot sa katawan niya.
"Huwag ang anak ko, parang awa muna!" Naiiyak na sambit ni Auntie Alita, ang nanay ni Alkina.
"Inuutusan mo ba ako?! Hah? At kailan pa naawa ang mga demonyo? WAHAHAHAHAHAHA!" hindi parin niya binibitawan ang kapatid ni Alkina. Kaya naman nagsalita na ako.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl [COMPLETED]
FantasyShe's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL RIGHTS RESERVED 2017 Starts: December 11, 2017 Ended: March 22, 2018