👻👻👻👻👻
Volleyball Game
"Sa tingin mo ba tama yung ginawa mo?" Maarteng tanong ni Coloring Book kay Drei.
Hanggang ngayon hindi ko pa nalalaman yung totoong pangalan ng mga babaeng ito.
"Wtf! Support support na lang pwede?! Magkakampi tayo dito." Pangatwiran naman ni Drei at inirapan ang apat.
"Whatever. Pag tayo natalo...." May halong panggigigil na sambit ni Girl.
E sa hindi ko alam ang pangalan --,--
"Ah wait." Pagpapatigil ko sa paglalakad nila.
Hindi naman ako nabigo dahil lumingon sila. Yun nga lang, magka dikit na ang mga kilay.
"Uhmmm..." Panimula ko, hindi ko alam kung magtatanong bako o hindi.
"What?!" Halos sabay sabay nilang sambit kaya napataas ang kilay ko don.
"Tatanungin ko lang kung anong pangalan niyo." Tuloy tuloy kung sinabi yun.
"Wtf!"
"Hanggang ngayon?!"
"Gluta girl na bobo pa"
"Seriously?!"
Sari saring panayam ang narinig ko sa apat kaya hindi na ako nagsalita.
Binigyan muna ako ng masamang tingin bago sila nagpatuloy sa paglalakad.
"Kim..kim ang pangalan." Tugon ni Drei dito sa tabi ko.
"Tara na magpalit." Sabi saakin ni Drei at hinila ako papasok ng classroom.
May mga iilang studyante dito na parang walang balak manood ng laro.
"Hey Alki. You can do this, just use your powers." Napatalon ako dahil sa may nagsalita sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl [COMPLETED]
FantasyShe's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL RIGHTS RESERVED 2017 Starts: December 11, 2017 Ended: March 22, 2018