Chapter 42

9.8K 274 18
                                    

👻👻👻👻👻

Tatsy

"Matutunaw siya." Walang kabuhay buhay na tugon ko dito kay Drei.

Kanina pa kasi namumula tapos panay ang titig kay Tatsy.

Hindi naman gwapo.

"I'm handsome." Napangiwi na lang ako dahil don.

Bakit ba kasi to binigyan ng ganong kapangyarihan.


"To protect you. Hindi ba obvious?" Sinipa ko siya sa paa para hindi mahalata ni Drei.

"Ha? Sino kausap mo?" Tanong ni Drei nang nagtataka.

"Siya." Sabay turo saakin. Loko, inosente talaga. 😑

*face palm*

"I'm dead." Halos pabulong kong tugon kasabay ng paghinga ng malalim.

"Ha?" Sabay nilang sambit.

"WALAAAAAA!" sigaw ko sakanila at dumokdok ako sa unan na hawak ko ngayon.

Sasabog ulo ko dine!!!


"What's dine?" Napaangat ako ng ulo dahil dun. Agad kong binato sakanya yung unan sabay tayo at pasok sa kwarto ko.

**

"Ohmy. He's so handsome"

"Whos that guy?"

"Panty mo be."

"Ay oo nga pala. Nalimutan itahi ni mudra."

"Grabe, ang gwapo."

"Transfer?"

"Bat kasama niya si Gluta?"

"Malamang inakit"

Ang sakit na ng batok ko dahil kanina pa ako nakayuko. Feeling ko nasa sahig na yung mukha ko sa sobrang yuko.

Inilock ko kasi tong ti Tat sa kwarto ko kanina, pero nagulat ako ng nasa likuran na namin siya.

Kapag ako nabuking dito sa pinag gagagawa niya.

"Hindi kita ibubuking. Alam ko kung anong ginagawa ko. Parang hindi naman kita kasama araw araw ah." Napaisip ako sa ibinulong niya.

Oo nga no, nasa katawan ko pala siya. Kung ano palang nakikita ko, siya namang nakikita din niya.

Bobo ko talaga.

"Buti alam mo." Bulong ulit niya at nauuna nang pumasok sa classroom!

Alam na alam. Tss

Third Person POV

Sa katunayan, gulat na gulat pa rin ang mga kaibigan ng Prinsesa dahil sa nasisilayan nila ngayon.

Hindi nila akalain na ngayon na lalabas ang kanyang Black Dragon.

Alam nila ang ibig sabihin kapag lumabas na ito sa katawan ng Prinsesa.

"Nagsisimula na." Sabay na sambit nina Akemi at Ed.

Habang si Luke naman ay hindi makapagsalita at gulat parin sa nalalaman.

Kapag lumabas ang Dragon na yan, dalawa lang ang ibig sabihin niyan.

Digmaang nagsisimula na at Muling nabuhay ang isang Reyna...nabuhay muli si Queen Mirna.

Sa isip isip ni Luke.

Bigla namang nakaramdam ng malakas na pagtibok ng puso sina Alkina at Luke.

Hindi nila alam na kapag ang Light Divine ay muling binuhay ng Queen, mag iisang pakiramdam sina Alkina at Luke.

Naka konekta ang katawan nila sa isa't isa dahil sa kapangyarihang Light.

Kung may mangyayaring masama kay Alkina ay ganun din ang mangyayari kay Luke.

Ang paglakas ng tibok ng puso nila ay isang sinyales na humihinga na ang Queen na muling nabuhay.

Habang ang mga taga underworld naman nagkakasaya.

Ang isang Queen na si Samarra naman ay nakaramdam ng matinding prisensya kaya napatigil siya sa ginagawa niya.

Nabuhay na nga siya

Sa isip isip neto.

Alkina POV

andito kami ngayong tatlo sa lawa. Tutal free time naman namin ngayon kaya dumito muna kami.

Magkatabi yung dalawa at nagdadaldalan. Hindi ako sumasali sa usapan nila dahil puro kakornihan din naman.

Almost 7 years na hindi lumabas si Tatsy mula sa katawan ko. At nagulat ako dahil hindi padin nagbabago ang itsura niya. He's 370 years old pero kung sa normal world, parang magka edad lang kami dahil sa mala bata niyang mukha.

Hindi siya babay face, sadyang ganyan lang ang mga guardians sa mga mundo namin.

Mula nang isilang ako ganyan na yan katanda, kaming lima noon nila Luke ang magkakasama pero noong naging 9 years old na ako ikinulong muna nila dito sa katawan ko.

Dati parehas kami ng kapangyarihan, may Light Divine at Shadow Demonic siya pero ngayon may mga iba na siyang powers.

Sana ako din.

"Anong ikaw din?" Napapitlag ako nang magsalita si Tatsy, sinamaan ko siya ng tingin at nilingon ko si Drei na nakataas ang kilay.

Umiling na lang ako at hindi na muling nagsalita.

Bigla ko na lang naisip ang isang bagay na kapag lumabas na mula sa katawan ko ang Black Dragon, ibig sabihin nagsimula na ang digmaan.

👻👻👻👻👻
Don't forget to vote, comment & share.
Fb: Howlers WP

Mysterious Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon