👻👻👻👻👻
The Queen of Shadow Demonic
"Queen Mirna. Hindi ka man lang nagpasabi na ngayon kana magpapakita. Ginamit mo pa talaga ang katawan ko." Narinig kong tugon ni Tatsy o mas kilala pa lang Dimon.
Gusto kong umiyak o magwala dahil sa mga nalaman ko, na itinago saakin sa maraming taon. Isa akong Princesa na gawa lamang ng magkaibang mahika. At yun ay ang Light at Shadow Powers.
Kung isa akong may mabuting kalooban? Panu na ang mga kaibigan ko, mga kababayan ko at ang pamilya ko?
"Yan lamang ba ang katanungan ng iyong isip Princess Alkina? Hayaan mong sagutin ko ang lahat ng mga tanong mo kung papayag ka." Sabi ng Queen. Siya pala yung may kakambal, at sila pala yung mga nasa panaginip ko noon.
"Panu?" Yun na lamang ang naitanong ko sakanya. Umaga na at andito parin kami sa kwarto ko. Pinatulog ko muna si Drei gamit ang mahika.
"Panu? Panung nangyayari ang lahat ng to?" Pagtatama niya sa tanong ko. Tumango lamang ako ng hindi tumitingin sa gawi nila ni Tatsy.
"Isa akong Reyna, at isa kang Prinsesa. Ang dapat mo lang gawin ay ang maniwala ka sa kung anong kapangyarihang meron ka. Yun lamang ang nag iisang sulosyon upang mailigtas mo ang mga kaibigan at pamilya mo." Mahaba netong paliwanag.
"Pero ang Lolo ko na mismo ang nagkwento't nagsabi saakin na, isang duktor ang gumawa saamin. At panu? Panu kung piliin ko ang Light divine? Ibig sabihin lamang iyun ay mahihiwalay ako sa mga kaibigan kong bampira at ganun na din sa pamilya ko." Pumatak ang butil ng tubig saaking palad. Yun lang kasi ang alam kong kahihinatnan ng gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl [COMPLETED]
FantasyShe's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL RIGHTS RESERVED 2017 Starts: December 11, 2017 Ended: March 22, 2018