Chapter 50

8.8K 233 3
                                    

👻👻👻👻👻

Secrets





Napahawak ako sa kwintas ko dahil sa sinabi ni Tatsy. Hindi ako pakapaniwala na may sumpa ang kwintas na ito dahil lumabas lang ito noong unang araw namin dito sa mundo ng mga tao.






"Pano mo nasasabi yan?" Tanong ko sakanya at mas nadagdagan pa ang pagtataka ko.






"May nakapagsabi saakin at hindi mo pa pwedeng malaman iyun. Kung ako sayo, kausapin mo si Luke. At tanungin kung ano nang nangyayari sa Silvius." Napaismid ako sa sagot niya. Parang ayokong maniwala pero sa itsura ni Tatsy, seryoso siya.






Kinabahan ako bigla sa aking mga narinig. Kumbaga, ako yung healer ng dalawa. Pero kapag ako ang nadali sa laban na to, dalawang buhay ang madadamay.






Agad kong tinanggal ang kwintas sa leeg ko. Naalala ko naman ang kasama nito na compass.






"May kasama tong compass, alam mo ba kung anong meron dun?" Tanong ko sakanya.






"Hindi mo ba napansin na sa mismong kapangyarihan mo nanggaling ang dalawang bagay na iyan? Dalawa lang ang ibig sabihin nun, maaaring binigay iyan para makuha ang lakas at kapangyarihan mo. Hindi mo ba napapansin na pumayat ka?" Nabigla ako sa mahaba niyang sinabi. Tinignan ko naman ang sarili ko at totoo nga ang sinabi niya. Namamayat na ako at parang biglaan naman yata?






"Ang laman ng kwintas na yan ay may dalawang uri ng uwak. Isang itim at isang puti. Ibig sabihin, gawa ng kapangyarihan mong light devine at shadow dimonic. Ngunit sa pag iimbistiga ko, nilamon na ng itim na uwak ang mga puting kasama neto. Kaya kapag inilabas mo ito mula sa iyong kwintas. May posibilidad na, tutulungan ka sa laban o sila ang makakalaban mo." Mahaba nitong paliwanag.

Mysterious Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon