👻👻👻👻👻
Evening Gowns
Evening Gown na kaya andito kami ngayon sa Backstage na nagpapalit. Cream color etong gown ko na may diamonds design.
Pagkatapos kong suutin ito, tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin.
Napakaganda talaga ng damit na to. Mukhang bumagay sa kutis ko.
Napansin ko naman na nakatayo pala sa side ko si Ron at tulala pa.
"Uy!" Tawag ko sakanya kaya naman nagulat siya.
Tulala kasi eh nabalisa na yata.
"Ow sorry. Hehe, You're so Pretty" nakangiting tugon niya.
Kahit nakakailang yung sinabi niya, mas pinili ko na lang ang ngumiti at magsalita.
"Ah..oh.. Thank you. Ayos lang ba suot ko?" Nahihiyang tanong ko kay Ron.
Tinignan naman niya ako tasd hanggang baba na parang inoobserbahan.
"Kahit ano pang suotin mo. Babagay at maayos sayo" nagulat ako sa naging sagot niya.
Parang kakaiba kasi yung dating e. Pinagsasabi neto?
Ngumiti na lang ako bilang pag sang ayon. Pagkatapos ng momentum na yun, ag ayos na kami ng pila.
"And now, let's all see the candidates with their Evening gowns!" Sigaw ng Emcee.
Lumabas kami ng backstage at tulad kanina, naglakad lakad kami sa may harapan at tumayo kami sa pwesto namin.
Grabe, sobrang daming lakad to. Ang sakit na ng paa ko dahil dito sa 6 inches daw na pointed heels. And it's color red.
Nakakangalay ngumiti pero go lang. Bawal kasi pag hindi nakangiti. Part daw kasi to ng pageant.
"Goodluck" biglang salita ni Luke gamit ang isipan.
"Waaaah!! Imissyou luke. Grabe! Bat ngayon ka lang nagparamdam ha?" Responde ko.
"Tss. Hahaha :) Ang ganda mo ngayon ah" sabi niya na ipinagtaka ko.
Nagpalingon lingon ako sa paligid. Baka andito siya at nakikinood din.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl [COMPLETED]
FantasyShe's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL RIGHTS RESERVED 2017 Starts: December 11, 2017 Ended: March 22, 2018