👻👻👻👻👻
Main North Students
Naririnig na namin ang sigawan doon sa baba dahil nagsi datingan na ang mga taga North.
"Sorry na please. Ilabas niyo na ako dito. Gusto ko na silang makita. Huhuhu." Maarteng tugon ng bastardang babaeng yun.
Hindi ako nag salita at sumenyas na ako sa dalawa kong kasama na bumaba na. Hindi sila makapagsalita dahil parehas na gulat.
"Sigurado ka diyan Drei?" kabadong tanong ni Beshywap.
"Ganyan ang gawin mo kapag alam mong dinadown ka na ng iba." Sabi ko at nauuna nang maglakad.
Alkina POV
Muli akong sumulyap sa babaeng studyante na ikinulong ni Drei sa isang pribadong classroom.
Nakakatakot talaga tong si Drei. Hays.
Nakababa na kaming tatlo pero nauuna parin si Drei sa paglalakad.
Nag uusap lang kami netong si Tatsy na mapansin naming huminto si Drei. Napagtanto ko na may apat na babae ang palapit saamin.
Naka uniform sila at mukhang didiretyo sila dito saamin.
"Oh my ghad! Dito ka pala nalipat Arish?!" Pare pareho kaming napatigil sa paglalakad at napaangat ng ulo dahil doon sa nagsalita.
Bumulaga saamin ang mga babaeng may mahahabang buhok kagaya ko at mga sobrang ikli ng skirt nila. Yung iba, kita ang guhit sakanilang dib dib
Makakapal din ang mga kilay nila kagaya ng mga babae dito sa school. Pero hindi ko sila kilala at ngayon lang din ko sila nakita.
Lumingon naman ako kay Tatsy na ngayon ay naka kagat labi na ngayon ay kulang na lang maging puso ang kanyang mga mata.
Napasinghap na lang ako dahil sa nangyayari dito ngayon. Napansin ko naman na tila hindi nagsasalita si Drei at walang emosyon ang binibigay niya sa mga babae.
Bigla na lang tumawa ng napakalakas ang babaeng lider nila kung hindi ako nagkakamali.
"May problema ba tayo dito Drei?" Kapwa sila napalingon sa saakin at umatras pa ang iba. Maski ako ay nagulat din.
Nag iba ang tono ng boses ko, maotoridad at puno ng kaseryosohan. Halata ang mga mata nila sa gulat.
Lumakas din ang tibok ng puso ko at nagkatinginan kami ni Tatsy dahil doon. Parang nag iba ang boses ko, tila naging malademonyong boses.
Alam ko kung anong nasa isip niya.
"Whoa! Andito pala kayo?!" Lahat lahat kami ay napalingon doon sa nagsalita.
Wala pang minuto ay hinila ko na si Drei at Tatsy upang pumunta sa isang sulok at doon nagteleport.
Isang iglap pa ay nasa rooftop na kami. Tinignan naman ako ni Tatsy ng buong pagtataka.
"What was that?!" Iritable niyang tanong.
Hindi ako sumagot, dahil yung taong nagsalita kanina. Siya yung stalker sa Park noon.
Nakalimutan ko na din ang pangalan non. Ano nga ba yun?
Jack? Jackson? Jayson? Urgh! Diko na matandaan.
"Le-lady." Nanginginig ang boses ni Tatsy noong tinawag ako. Tinignan ko naman agad siya at nasa ibang direksyon ang mga mata niya kaya sinundan ko ito.
Nang makita ko kung sino yun, walang ano -ano'y sumigaw na si Drei ng napakalakas.
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!" Nataranta naman ako kaya agad ko siyang nilapitan at ginamitan ng mahika upang burahin ang kanyang ala ala na nangyari kanina.
Ilang minuto pa ang lumipas ng magsalita ulit si Drei.
"Ano ginag.....diba andon la....anyare?" Nagpuputol putol ang mga sinasabi ni Drei kaya napakamot na lang ako sa batok.
Muli kong nilingon si Tatsy na ngayon ay malapit ng magdikit ang mga kilay.
"Nakakairita sigaw mo!" Sabi neto at dali daling lumabas ng rooftop.
Tinignan ko din si Drei na ngayon ay nakanganga at gulat.
"Sigaw ba yun? Nagtatan---SHH tama na. Punta na tayo sa ibaba." Pagpuputol ko sa sinasabi niya.
Umalis na din kami sa rooftop at dumiretyo ng gym. Hindi ko na mahanap si Tatsy. Dibale, alam naman niya kung nasaan kami.
Napakatahimik, titig lang ang naibibigay ng bawat isa saamin. Walang sino ang balak magsalita.
Tila prinoproseso nila ang nakikita nila."Napakaitim na buhok." Tugon ni Mark
"Mapungay na mga mata." Si Ian
"Kissable lips" si Drei
"Matangkad at maputi." Sambit naman ni Jarold.
"Fvck! I'm inlove with you babe."
👻👻👻👻👻
Don't forget to vote, comment & share.
Fb: Howlers WP
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl [COMPLETED]
FantasyShe's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL RIGHTS RESERVED 2017 Starts: December 11, 2017 Ended: March 22, 2018