Chapter 32

12.1K 432 4
                                    

👻👻👻👻👻

Existing







"Anong ibig mong sabihin" nagtatakang tanong niya saakin.







Ipapaliwanag ko ba sakanya? Sa tingin ko ay oo, kahit mga konting bagay lang.







Umupo ako at tinignan siya. Halatang curious talaga siya sa sinabi ko.

"Wala ang lawang yan dito noon. Hindi ko alam kung bakit. Dati na ang school na to dito. Pero wala parin ang lawang yan" sagot ko.

Bigla na lang napatingin si Alkina sa may lawa na bakas sa mukha niya ang pagtataka.

Alam kong nagulat ka Alkina. Matagal na ang school na to. Dito pa nag aral ang mga Magulang ng parents ko eh.

Si Lolo ang nagbigay saakin ng Makapal na libro. Librong naglalaman ng mga madaming bagay. Naglalaman ng kwento at pangyayari. Naglalaman ng talambuhay ni Alkina Terror, a princess of Light & Shadow Powers.

Hindi ko alam na mag eexist pala ang kwento sa librong yon sa totoong buhay. Ang weird naman kasi, nagmumukha tuloy akong baliw.

Oo, ang mga nangyayari kay Alkina ay nakasulat sa isang makapal na Libro.

Mula pagkapanganak ng Reyna, pagbuo ng Silvius, pagkasilang ni Alkina hanggang ngayon. Nabasa ko lahat yun sa libro.

Patay na kasi si Lolo kaya hindi ko matanong sakanya kung saan nagmula ang librong yon. Hindi naman alam nila mama at papa ang tungkol sa librong yun.

Nung una, wala akong pake sa librong yun dahil hindi naman ako mahilig magbasa.

Nakakagulat lang isipin kasi totoo pala ang mga Powers at Magic. Kaya hangang hanga ako kay Alkina dahil may ganun siyang ability.

Sobrang astig kasi totoo ang lahat ng mga nasa libro. Hindi ko pa natatapos dahil sa sobrang busy ko dito sa school this past few days.

Tulala parin hanggang ngayon si Alkina. At ramdam kong nagugulat siya sa mga nalalaman niya.

Alam ko rin na kaya siya andito sa mundo ng mga tao dahil sa isang misyon. Misyon na dapat ay masanay siyang magisa para sa nalalapit na ika anim na digmaan.

Hindi ko alam kung saan sila lalaban at alam kong taga underworld ang kalaban niya.

Naaawa nga ako sakanya kasi mag isa lang siya. Yung mga kaibigan niya, dadating lang kapag kinailangan niya ng tulong.

Ako sana ang tutulong kaso wala nga pala ako kapangyarihan. Haayss, parang gusto ko tuloy ituloy ang pagbabasa sa librong yun.

Busy kasi ako lalo na malapit na yong laro namin ng basketball dahit sa High School Day na magaganap next week.

"Bumalik na tayo" tugon ko saknya.

"Mauuna kana" utos niya saakin.

"Hindi pwede. Mataas tong bundok na to, hindi mo makakaya" syempre patay malisya ako.

Nakakalipad kaya yan. Tapos alam ko pa na kada Sabado't linggo bumabalik ang katawan niya sa pagiging bampira. Kaya ngayon, balot na balot ang buong katawan niya. Hmft! Kala mo diko alam ha? Hehe

"Mauuna kana. Kaya kona ang sarili ko" sabi niya ng hindi parin lumingon saakin.

Hindi ba to nagugutom? Tanghali na hindi pa nga ata to kumain ng almusal niya.

"Ok. Dito muna ako sasah----

"Sabing umalis ka muna!" Biglaang pagsigaw niya kaya medyo nagulat ako.

"Please" tila nagmamakaawang tugon niya.

"O-okey. Sige mauuna na ako, sumunod ka ha? Para makakain kana. Tanghali na oh. Malipa---

Oo na. Ang kulit mo" tila naiirita niyang tugon.

Napangiti naman ako sa sinabi niya at sinimulang maglakad pababa.

Alam ko kung anong iniisip mo ngayon Princess Alkina. Mapunta nga sa bahay para makuha yung librong yun.

Sabik na akong malaman ang susunod na pangyayari eh. Tapos kailan nga ba yung ikaanim na digmaan? Saan kaya yun magaganap.

Alkina POV

Nagpaiwan ako dito sa taas kahit na nagugutom na ako. Hindi ko lubos maisip ang mga sinabi saakin ni Ron.

Wala raw ang lawang ito dati. So tama nga ang hinala ko, may kakaiba talaga sa lawang ito eh.

Pag lumalapit ako, lumalakas ang inerhiya ko. At yung nangyari kaninang madaling araw. Yung puting liwanag.

Grabe. Gulong-gulo na ako, kailan ko ba malalaman ang lahat ng bagay na to. Haysss

👻👻👻👻👻
Don't forget to vote, comment and share.

Mysterious Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon