👻👻👻👻👻
Practice
Ian POV
Kasalukuyan kaming naglalakad dito sa may hallway ng bigla naming nakasalubong si Ron.
"Woy! Saan ka ba nagpunta ha? Hindi ka umattend sa meeting" bungad sakanya ni Mark.
"Tss. Parang hindi naman tayo sumali last year ah? " tugon naman ni Ron na naiirita.
"Yong pageant ang tinutukoy ko. Hinahanap ka pa ni Alkina kanina" sarkastik naman na sagot ni Mark.
Tinignan ko naman si Ron na napataas ang dalawang kilay. Pero nagsimula na siyang maglakad at nilagpasan lang kami.
Tss, kahit kailan talaga Ron.
Alkina POV
Andito na ako sa dorm. Hinihintay ko na lang si Drei. Ang tagal umuwi nun.
Inaalala ko parin yong about sa Pageant na yan. Tapos may pre-pageant pa sa Friday.
Ibig sabihin ay parang pasiklaban para sa Power 10 na yon.
Expected ko ng hindi ako makukuha no? Anong panama ko sa mga yon. Wala naman akong alam, hindi ko pa naman yon nararanasan.
Biglang tumunog ang pinto sa may sala kaya, agad akong lumabas ng kwarto ko.
"Bakit ang late mong umuuwi ha?" Tanong ko sakanya.
"Aba parang nanay ah. Sorry naman po, madaming ginagawa sa school eh" sarkastik naman na sagot niya.
"Seryoso?! Kaka transfer mo pa lang last last week ah. Kumain kana ba? May niluto na ako diyan" sabi ko sakanya. Awtomatiko namang lumaki yong mga mata ni Drei at naglalaway na.
Seriously ?
"Nagluto ka? Himala yata?" Tanong niya saakin.
"Lol. Alam ko kasing pagod ka pag dumadating ka dito eh" sagot ko naman at nagpunta ng kusina para kumain.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl [COMPLETED]
FantasyShe's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL RIGHTS RESERVED 2017 Starts: December 11, 2017 Ended: March 22, 2018