👻👻👻👻👻
A
/N: Ito naman po si Queen Mirna (Power of Light Divine)
The Guardians
Edward POV
Hindi lang tatlo ang nakikita kong puting liwanag, kundi mga daan, libo. Para silang mga bituin. Mga bituin sa langit.
Nabaling ang tingin ko sa ibaba, dahil may isa ding puting liwanag ang umaangat.
"Luke?!" Nagulat ako ng mahalata kong si Luke ang puting liwanag na umaangat ngayon.
"Anong ibig sab....anon....pano...?" Kahit wala akong kinakausap dito, ay nagsasalita parin ako dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
At ano naman ang mga puting liwanag na iyan? Bat ang dami?
"Ed!" Napalingon naman ako sa likod ko na tawagin ako ni Tanner.
"Bak---Juskof!" Napatakip ako ng bibig dahil sa nakikita ko ngayon dito sa loob ng pasilyo.
Si....si...Akemy! Lumulutang! At umiilaw?!
"Ginagamot siya ng puting liwanag, pero hindi ko matukoy kung sino ang may kagagawan neto." Paliwanag saakin ni Tanner.
Lumapit pa ako hanggang sa makita ko si Akemy na nagmulat ng mata at isang malalim na pag hinga ang ginawa niya.
"Kuya ed! Si ate abby!" Kapwa kami napalingon ni Tanner sa bunsong kapatid ni Alkina na nasa isang kwarto.
Lumapit ako sakanya upang tanungin ngunit isang puting liwanag ang pumukaw sa atensyon ko. Yung.....
"Umiilaw din siya!" Sigaw ko habang tinuturo ang lumulutang at umiilaw na si Abby.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl [COMPLETED]
FantasyShe's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL RIGHTS RESERVED 2017 Starts: December 11, 2017 Ended: March 22, 2018