👻👻👻👻👻
Warfreak
"Sports day na pala bukas no?" Tila kinikilig na tugon ni Drei kaya kapwa kami napalingon ni Tatsy sakanya.
"Bakit/what was that?" Sabay naming tanong ni Tatsy kay Drei. Nagtataka namang lumingon saamin si Drei.
Hapon na kaya kasalukuyan kaming naglalakad patungo ng Dorm. As usual, kami nanaman ang huling umuwi dahil naglinis pa kami.
"Nakalimutan mo na ba Beshie? Mga taga North." Sarkastikong sambit ni Drei.
Napaisip naman agad ako doon, oo nga no. Bat nakalimutan ko na yun?
"Ano yun Lady?" Tanong saakin ni Tatsy kaya kaming dalawa naman ni Drei ang napalingon sakanya.
"Lady?!" Edi kami na din sabay.
Anong lady? Loko to ha. Nakooooo!!! Baka kung mabuking kami dito!
"Lady kasi dapat ang itawag namin sakanya kasi siya yung prinsesa namin." Tuloy tuloy na sagot ni Tatsy.
Unti unting bumagal ang paglakad ko at may bagay na tumama sa isipan ko.
Prinsesa?
Kapwa napahinto din sa paglalakad ang dalawa at napalingon dito sa gawi ko.
"Prinsesa ng mga Timang!" Sigaw niya at nagtatakbo patungong pintuan ng Dorm.
Doon ko na lang narealize ang sinabi niya.
"TATSYYYYYYYYY!!!!!!!!!" sigaw ko at nagtatakbo din patungo ng Dorm para habulin ang dragon na yun.
Samantalang si Drei tila naguguluhan ang itsura niya at naiiwan siya sa labas.
Tatsy (Black Dragon) POV
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl [COMPLETED]
FantasyShe's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL RIGHTS RESERVED 2017 Starts: December 11, 2017 Ended: March 22, 2018