Chapter 20

14.2K 360 8
                                    

👻👻👻👻👻

Representative









"Ganito yon. Ang High School Day ay Araw ng skwelahang ito. Anniversary ganern at isang bagay na nakakapag pasaya sa mga istudyante. Ito talaga yong kaabang abang sa lahat. Ang mga Booth naman ay isang pakulo ng mga studyante, upang pagkakitaan. Isa na diyan ang Horror Booth, Wedding Booth, Photo Booth, Movie Booth at iba pa." Mahabang paliwanag niya.








"At isa pa. Yong sinabi ni Maam na makikiparty ang mga North dito? Yun ang pinakamasaya sa lahat. Kasi lahat ng gwapo andon na. Yon ang laging pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Pati na rin ako syempre. About sa mga sports naman. Pipili ka doon ng gusto mong laruin kung saan ka magaling." Parang kinikilig naman siya habang nagpapaliwanag.








Nagtaka naman ako. Bakit naman niya yon alam?







"Bat mo naman alam ang tungkol sa mga North?" Tanong ko sakanya.









"Kasi doon ako nanggaling" mabilis niyang sagot habang nakangiti. Pero natahimik ako dahil parang nag iba ang mga ngiti niya.








"Eh bat ka nagtransfer dito?" Tanong ko ulit.








"Hindi ako nagtransfer dito. Sadyang na kick out ako sa school na yon. Dahil may nakaaway ako. At yon ay may kapit pa sa school na yon." Sagot naman niya.






Mysterious Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon