👻👻👻👻👻
Supportive Friend
Alkina POV
Its friday, ang araw ng Pre-pageant na magaganap mamayang hapon. Pinagpapahinga ako ni Drei para may lakas ako mamaya.
Kinakabahan ako, baka kung matapilok ako o magkamali ako ng galaw. Ayaw ko namang ipahiya section ko.
At mas lalong ayaw kung ipahiya sarili kahit na first timer lang ako sa mga ganong bagay.
"Huwag mong isipin yong pagkatalo o pagkapanalo mo. Ang isipin mo kung paano mo idaan sa magandang paraan yong gagawin mo mamaya sa harap ng madaming tao. Kung hindi ka man makukuha, okey lang yan kasi sabi mo nga a wala kang alam sa ganyang bagay" advice saakin ni Drei.
"Siguro" matipid na sagot ko.
*tok* *tok* *tok*
Katok mula sa pinto namin. Nagkatinginan muna kami ni Drei bago siya tumayo at pagbuksan yong pinto.
"Hi" pagbati ni mark habang may malawak na ngiti.
Eh?
"What are u doing here?" Tanong agad ni Drei kay Mark.
Magisa lang niya?
"Gusto lang namin makita si Alkina. Ichecheer kasi samin siya mamaya" biglang sulpot ni Jarold.
Pinapasok naman niya yong APAT. Oo yong apat. Umaano naman to dito?
Ibinaba ko na yong librong hawak ko at tinignan sila.
Pati pala si Ron andito din? Tapos nakapalit na din siya kagaya ko. Grabe ang gwapo ng dating niya.
Nginitian nila ako kaya ngumiti rin ako.
"Good Luck mamaya." Sabi ni Jarold habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl [COMPLETED]
FantasyShe's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL RIGHTS RESERVED 2017 Starts: December 11, 2017 Ended: March 22, 2018