Chapter 51

8.4K 215 0
                                    

👻👻👻👻👻

Underworld vs Silvius




"Arrrrggghh!" Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko na may maramdaman akong hapdi o sakit sa bewang ko.

"Fuck this!" Napalingon ako sa katabi kong si Tatsy na hawak rin ang bewang niya.

"Pati sayo?" Tanong ko sakanya habang bumabangon ako ng kama.

"I told you." Sabi neto at tumayo din kagaya ko.

Halos sabay kaming napalingon ni Tatsy sa may pintuan dahil kinakalampag ni Drei yung pinto habang sumisigaw.

"Anong nangyayari?" Sabi neto sa labas. Hindi kami sumagot ni Tatsy.

"Tulungan mo si Luke." Pagkasabi niya yun, nagets ko na agad kung anong ibig niyang sabihin. Gagamutin ko to gamit ang kapangyarihan ko upang magamot.

Alam ko kasing napuruhan nanaman si Luke sa labanan dun sa Silvius. Paangat na ang kamay ko at pinapakiramdaman ang mahika ko ngunit natigil yun ng maramdaman kong wala ng sakit ang bewang ko kaya tinignan ko ito.

Laking gulat ko ng makita itong umiilaw at unti unting nawawala ang sugat. Ganun din kay Tatsy at pati siya ay gulat na puno ng pagtataka.

"Bilis naman." Nanlalaki netong matang tugon.

"Hi-hindi. Hindi ko pa nasisimulan." Nagtataka ko ring tugon.

"Luke! What happened?" Basa ko sa isip ni Luke.

"Thank you for healing me Alki." Sabi neto na ikinataka ko.

Hindi ko na nagawang magtanong pa dahil pinutol na ni Luke ang connection namin. Tinignan ko naman ulit si Tatsy na parang nagtatanong.

"Hindi talaga ako ang gumawa nun." Sabi ko at tinignan uli ang puti kong damit na kanina lang ay napalitan ng pula dahil sa dugo.

"Its okey. Atleast ok na-----ALKINA. OKEY LANG KAYO DIYAN?" naputol ang sinasabi ni Tatsy dahil nagsalita nanaman si Drei mula sa labas ng pinto.

Lumapit naman ako don at pinagbuksan siya ng pintuan.

"Yeah sure. Nakakita lang ako ng maliit na gumagalaw dito sa kwarto." Actually, nung nakaraan nakakita ako ng ganun dito sa kwarto ko. At hindi ko alam kung ano yun.

"Hays! Akala ko kung ano na yun. Daga lang pala." Sabi neto saakin na ikinalito ko.

"What's daga?" Napatingin naman kami ni Drei sa gawi ni Tatsy.

Oo nga, ano nga ba yun?

"Wala wala. Balik na sa pagtulog. Mag aalas dose na oh." Sabi neto at nagkakamot papunta ng kwarto niya.

Naisip ko naman bigla yung oras. Mag to 12 na pala, at magiging bampira na ako mamaya.

"Lalabas muna ako." Pagtingin ko sakanya nakalabas na siya ng bintana.


Papaalam kapag nakaalis na. Hays.


Naupo na lamang ako sa kama at inisip ang kalagayan nila Luke sa Silvius.


Bakit ba kasi andito ako sa Mundo ng mga tao!? Hindi ko tuloy matulungan ang mga kaibig---


"Sila mama!"
























Luke POV


Kung hindi ako nagamot ni Alkina kanina, malamang nalason na ang buong katawan ko dahil sa poison na pinakalat ng mga underworld.


Andito kami ngayon sa isang burol pinagmamasdan ang lugar ng Silvius. Kalahati na ng lugar ang nasira at nawasak ng mga taga underworld.


Nakikipaglaban ang mga iba, tinatalo nila ang underworld pero sa tingin ko ay mahihirapan kami sa labanang ito. Paubos kami ng paubos ngunit ang mga kalaban namin ay padagdag ng padagdag.


"Alam ba ni Alkina ang nangyayari saatin?" Napatingin naman ako sa Nanay ni Alkina na ngayon ay nakaupo sa silong ng isang puno kasama ang dalawang anak. Wala ang asawa niya dahil nakikipaglaban siya ngayon.


"Sa tingin ko po ay hindi." Pagsisinungaling ko kahit alam na ni Alkina ang lahat ng nangyayari dito sa Silvius.


"Mabuti naman kung ganun." Lumakas ang tibok ng puso ko dahil nagsinungaling ako sa Nanay ni Alkina. Ayaw niya kasi na malaman ni Alkina ang nangyayari dito dahil alam naming lahat na mag aalala siya saamin lalong lalo na sa pamilya niya.


"Ang pinuno!" Halos nagsi tingin kami sa baba ng makita namin ang pinuno naming nakikipag laban.


"Tara sa baba, tulungan natin siya." Sabi ko sakanila at bumaba naman sila.


"Dito lang ho kayo. Huwag po kayong bababa." Sabi ko sa nanay ni Alkina at bumaba na rin ako upang tulungan ang pinuno naming nakikipaglaban.


Matatapos din ang lahat ng to.



👻👻👻👻👻
Don't forget to vote, comment, and share.
Fb: Howlers WP

Mysterious Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon