Chapter 3: Endorser of sunglass

211 51 7
                                    

Arcie

Pasado alas-diyes na ng gabi pero dilat pa rin ang mata ko. Hindi ako makatulog dahil sa alok ni Kapre na maging alipin niya ako. Napaka-isip bata ng lalaking iyon. Biruin mong iyon pa talaga ang nais niya.


Hindi naman masyadong naging worst iyong unang pasok ko sa school. Nag-enjoy din naman ako kahit papaano. Half stressed, half enjoyed.

Sa totoo lang ay nakapagdasal na ako kanina at balak ko na talaga sanang matulog pero ayaw pang pumikit ng makulit kong mata. Hindi maalis sa isipan ko iyong nakangising mukha ni Kapre. Ano kayang mayroon sa kaniya at iniisip ko siya ngayon?

Pagkagising ko kinabukasan ay natapos na ang lahat ng gawain ko. May nakapagluto na, nakahanda na ang pagkain sa lamesa at wala na iyong mga pastillas na ginawa namin kagabi.

Napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Anti sa likuran ko. Naninibago tuloy ako.

"Tawagin mo na si Cassandra at kumain na kayo. Nakahanda na ang lahat ng makakain ninyo. Ikaw naman kasi, Arcie. Late ka na namang gumising. O siya, alis na ako."

Napamaang ako sa narinig ko. Totoo ba ito? Si Anti biglang bumait sa akin? Wow. Anong mayroon? Sinunod ko na lamang iyong utos niyang tawagin ko si Cass. Tulog mantika ang babaeng iyon kaya tiyak kong natutulog pa siya.

Hindi nga ako nagkamali. Tulog pa siya nang pasukin ko ang kuwarto niya. Humihilik pa ang gaga.

Kinuha ko iyong scratch paper na nasa study table niya at nilukot iyon ng pahaba. Tinanggal ko ang kumot niya at saka dahan-dahang idinikit iyon sa kanyang paa. Gumalaw siya ng kaunti pero hindi pa rin siya nagising. Sumunod kong ginawa ay pinasok iyon sa ilong kaya bumahing siya at nagising.

Bumahing pa ulit siya, "Istorbo naman ito," inis niyang sabi, "ang ganda na sana ng panaginip ko e. Bwisit ka!"

Tinawanan ko siya at binato iyong unan na nahulog sa kama. Ang gulo nitong kuwarto niya. Geeze. Babae ba itong pinsan ko?

"Kain na raw tayo. Maagang umalis si Anti. Anong lakad non?"

Maging siya ay nagulat din sa sinabi ko. Nakakapanibago naman kasi talaga si Anti. First time niyang maging mabait sa akin.

"Hindi ko rin alam. Nakainom lang iyon ng toyo. Lol."

"Bumait din siya sa akin. Baka ketchup ang ininom non?"

"Nag-asukal lang iyon ng asin kanina. Halika na nga. Gutom na ako. Istorbo ka kasi."

Nauna akong bumaba. Ang bagal niya kasing gumalaw. Medyo nakakailang ang araw ngayon. Sana ganito na lang palagi. Iyon bang mabait sa akin si Anti.

Mabilis na lumipas ang oras. Patungo na kami ngayon ni Cass sa Soltoda. Paradahan ng mga tricy papuntang school namin.

Buti pa iyong mga lower grade students. May mga kotse at motor na sila. Iba talaga kapag mayaman ka. Kahit bawal pa ay puwede na para sa kanila.

Sasakay na sana kami nang biglang may bumusina. Kulay pula na kotse. Ibig sabihin, si Kapre iyon. Bumukas ang bintana ng kotse at bumungad ang naka-sunglass niyang mukha.

Ang taas ng araw, Pre.

Hindi siya ang nagmamaneho. Aba'y dapat lang. Baka mamaya ay tapunan niya na naman ako ng tunaw na shokolate. Hindi na talaga ako magdadalawang isip na upakan siya kung sakali.

"Hop in." aniya. Tinaasan ko siya ng kilay. Lahat na lang ba ay bumabait? Asin din ba kaya ang ginamit na asukal ng isang ito?

"You're too early today, dude." sabi sa kaniya ni Cass. Lalo pang tumaas ang kilay ko.

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon