Chapter 15: Alabyu

137 42 0
                                    

Arcie's POV

Nandito kami ngayon sa bench ng field. Can you imagine? Gumagawa kasi kami ng mga reports. Kasama ko sina Yanna, Cass at Gly. Vacant time din naman kasi namin. Malapit nang mag-October tapos one month sem break na namin.

Four months na. May nararamdaman na kaya ako para sakanya? Para sa akin ewan ko. I don't really know kung inlove na ba ako sa kanya or not. Nararamdaman ko naman kung gaano niya ako kamahal pero dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko, hindi na muna ako aamin sakanya.

Sabi nga nila, huwag natin madaliin ang mga bagay bagay na gusto nating mangyari sa 'ting buhay kasi ang mga taong nagmamadali, madalas mali ang napipili.

"ARCIE SANTOS."

Napatigil ako sa pagsusulat dahil sa special mention na pagtawag sa 'king pangalan.

Sigurado akong si kapre 'yon. Ano na naman bang problema ng lalaking 'yan?

"Girl, tawag ka."

"Hah?"

Ako ba talaga?

"Ako?" tanong ko sa kanilang tatlo.

"Hindi baka ako! Baka siya. Baka siya rin! Arcie Santos daw!" sarkastikong sabi ni Cass kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin. Parang nagtatanong lang eh. Malay ko ba kung may kapangalan ako dito.

"Yanna mai-- ARAY KUMAG KA TALAGA!!"

That voice got our intention. Ibang klase talaga si Ivan. Hinanap namin kung saan nanggaling 'yung tunog.

"Oh gosh!!!"

Sina kapre kasi nasa stage. Nakahawak siya ng gitara. Si Kurvi naman nasa drum part. Si Renz naka electric guitar. Tapos si Lance at Ivan naman, nag-aagawan sila ng mic.

"🎶Ano ang iyong pangalan,

Nais kong malaman,

Kung may nobyo ka na ba,
Sana namay wala.

Di mo ako masisi,

Sumusulyap palagi,

Sa'yong mga mata,

Oh ka'y ganda,

Oh binibini.🎶"

"O.M.G!!!!"

"Kyahhh Prince K!!!"

"He's dedicating that song to me."

"Dream on! Sa akin kaya."

"Girls accept the fact na sa akin."

"Oh gosh! Obviously naman na sakin. Tsk!!"

Susugod na sana si Cass pero pinigilan namin siya. Jealous hah.

"Oh anong gagawin mo?" taas kilay kong tanong. Kunwari wala akong alam.

"Hah?" painosenteng tanong niya.

"Ayie!! Nagseselos ka ano?" binigyan ko siya ng makahulugang tingin. Agad naman ay namula ang kanyang pisngi.

"🎶Oh ang isang katulad mo,

ay hindi na dapat pang pakaw---🎶"


Habang patuloy sa pag-awit 'yong lima mas lalong lumakas ang hiyawan at tilian ng mga kababaihang nakikinig at nanonood. Maski mga bakla, nakikihiyaw at tili na rin.

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon