Chapter 24: The right time

96 33 0
                                    

No matter how long it takes, just remember that it's always worth the wait . 😉💞

Arcie's POV

Masidhing kaba ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako na masaya na natutuwa. Ewan ko. Hindi ko maipaliwanag ng husto ang nararamdaman ko. Siguro dahil sobrang nasasabik na akong makita siya. Makikilala ko na siya, mayayakap, makikita at higit sa lahat makakasama ko na rin siya.

Maraming taon ang lumipas na hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ina. Matagal ko na itong pinangarap, na sana makita ko na rin ang totoo kong mga magulang .Mahalaga ang magkaroon ng magulang para sa akin.

"Bibi huwag mo akong kakalimutan ah? Naku kapag ginawa mo yun kakalbuhin kita kapag makita kita na hindi mo ako papansinin o babatiin man lang saka bisitain mo rin dapat ako kahit minsanan lang. Okay?" naiiyak na sabi ni ate Zyra. Nagmistula tuloy siyang bata na inagawan ng paboritong candy.

"Hinding hindi yan mangyayari ate .Pangako. Itago este itaga mo pa sa bato." Natawa ako sa huli kong sinabi. Hindi na siya nagsalita. Niyakap niya nalang ako ng mahigpit.

"Mamimiss po kita ate kahit sandaliang panahon lamang tayong nagkasama. Hindi po talaga kita makakalimutan!!" bulong ko sakanya kasabay ng pagpatak ng luha ko. Hindi siya makakasama ngayon dahil may importante din siyang gagawin.

"Dapat lang. Zaire, ingat sa pagdradrive ha? Sige alis na kayo baka uulan ng luha dito. Arcie mamimiss talaga kita."

Nagpaalam na ulit kami ni kuya Zaire sakanya at saka sumakay na sa kotse. Malungkot at masaya ang nararamdaman ko sa pagpapaalam ko kay ate Zyra. Hindi ko na siya kadalasang makasama at makita gaya ng dati. Sabi nga nila, life must go on. Malapit nang mag-alas nwebe kaya nagmamadali kami at baka matraffic pa kami kung papatagalin pa namin ang kadramahan namin ni ate. Normal lang naman iyon sa mga babae eh.

Nandito na kami ngayon sa harap ng food house. Isa itong mamahaling kainan na bagong tayo. Resto-Bar kumbaga.

"Tara na?" nakangiting pagyayaya sa akin ni kuya. Nginitian ko rin siya pabalik. Ano ba yan, kinakabahan ako. Pakiramdam ko kasali ako sa isang pagsusulit na kailangan kong ipanalo ang kompetisyong ito.

Napa'aist' si kuya Zaire nang matanaw namin ang isang lalaking kumakaway na kadalasan niyang tinatawag na blackJack sa hindi kalayuang pwesto na kinaroroonan namin. Nakaramdam ulit ako ng kaba na may halong saya't tuwa dahil may kasama siyang babae na mukhang may kausap pa sa cellphone at doon nakatuon ang kanyang attensyon.

"She must be your mother." bulong niya at sa nararamdaman ni kuya Zaire na kasiyahan at tuwa ay lalo akong binibigyan ng lakas ng loob. Kung kinakabahan ako kanina, ngayon naman pakiramdam ko ay nanalo ako sa loto.

"Mrs. Dela Vega, I'm Zaire Sphinx and I am with your lost daughter. Do you still remember me?"

"Of course iho. You're with Grithella. Where is Brithella?" Kamukha ko nga siya. Malakas ang kutob ko na matagal na nila akong hinahanap.

"Tita siya po si Brithela!" natigilan siya. Napatayo at agad na lumapit sa akin upang yakapin ako. Ginantihan ko din siya ng mahigpit na yakap.

"Matagal ka naming hinanap anak. Kulang nalang mabaliw na ako. Akala ko hindi na ulit pa kita makikita. Maraming taon ang lumipas anak hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko noon. Patawarin mo ako. Dapat hindi ako sumuko sa paghahanap sa iyo. Dapat…"

Naiyak na ako sa sinabi niya. Paano ko ba siyang tawaging mama? Sobrang saya ang nararamdaman ko. Sapat na ang mahigpit na yakap na binigay niya sa akin upang masabi ko na mahal niya talaga ako. Dugo niya ang dumadaloy sa mga ugat ko at siya ang nagsilang sa akin kaya ko iyon nararamdaman.

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon