Grithella's POV
Tatlong oras na kaming naghihintay dito sa labas ng operating room. Laslas ang ginawa niya. Malalim iyon kaya madaming dugo ang nabawas at nawala sakanya. Hindi pa namin alam kung nalaman na ba ng magulang namin.
Wala akong ibang ginawa kung 'di ang umiyak at nagdadasal ng tahimik.
Diyos ko, alam ko kung gaano akong naging masama sa kapatid ko please 'wag na po muna ngayon. Alam ko pong naghihirap siya dito dahil sa mga salitang binabato namin sa kanya pero 'wag mo po muna siyang kunin sa'min. Nagmamakaawa po ako sa inyo. Oh please.
"Nasa bandang huli ang pagsisisi iha."
Sumagi sa isip ko 'yung sinabi ng matanda sa'kin nu'ng nakalabas na kami ng mall. Oo kinilabutan ako sa itsura niya at natakot din dahil bigla niyang kinuha ang palad ko nilagay sa noo niya.
Ito na ba 'yun? Pero bakit? Bakit buhay ang kailangang pampalit? Hindi pwede. Hindi pwede.
"A-ate..." Napayakap ng mahigpit sa'kin si darylle. She is hopeless too. Ngayon ko lang siyang nakitang gany'an. Hinang-hina siya kagaya ko. Namamaga ang mata niya at namumutla siya. "Ma-magiging okay p-pa naman si a-ate d-diba? D-diba ate?" Napahagulgol siya ng iyak. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Hinagod ko ang likod niya. "Tell me, masyadong full 'yung aircon sa k-kwarto niya kaya..." Pinigilan ko ang mata ko para hindi maiyak pero hindi... hindi ko kaya kasi ang sakit isipin na... "Kaya *sob* m-ma-malamig 'yung k-katawan ni ate *sob*." Mas lalo na naman siyang napahagulgol gano'n din ako pero pinilit kong pigilan ang emosyon ko kahit sasabog na 'tong dibdib ko sa sakit at hinanakit. "At k-kaya m-matigas 'yung katawan ni *sob* a-te. T-tama ako diba ate? Tell me I'm right. *sob* Ate..." Humina ang boses niya at napahikbi hikbi nalang. "Tell me please..." Tuluyan na siyang humina.
"Shh tahan na. She'll be fine, okay? Stop crying." Hinagod hagod ko lang ang likod niya. "Isipin na lang natin 'yung freezer okay? Kumbaga lahat ng nilalagay do'n nilalamig at tumitigas." Pilit kong pigilan ang sarili ko na 'wag maiyak. Pero kapag naiisip kong, paano kung tama ako ng hinala'y paulit ulit na kumikirot ang dibdib ko."Tahan na..."
"P-pero *sob* I'm n-not stupid a-ate *sob* para h-hindi maliwanag sa a-kin ang l-lahat *sob*." Napatigil ako sa paghagod sa likod niya. Pumikit ako ng mariin. Kinagat ko ang lower lip ko. Mas lalong humigpit ang yakap sa pagitan naming magkapatid. "W-what if pa---"
"Family of the patient?" Sabay kaming napatingin sa kalalabas na doctor. Siya 'yung kumpare ni daddy. Dali dali kaming lumapit sakanya. "She is now stable ililipat nalang namin siya sa private room niyo dito sa hospital." Casual ang tinig ng boses niya pero nararamdaman kong malungkot ang mata niya. Napagaan ang loob ko dahil sa sinabi niya pero pakiramdam ko, may mali. May hindi magandang mangyayari. "You're darylle, right?" Tumango si darylle. "You have to rest my dear at baka ikaw ang masunod na itatakbo dito sa hospital. Parating na 'yung magsusundo sa'yo." Hindi na lang kumibo ang kapatid ko. Bumalik siya sa pwesto namin kanina at umupo. "We have to talk Ms.Dela Vega."
***
Darylle's POV
Pinapanood ko nalang sina ate at 'yung doctor na nag-uusap. Halatang tungkol kay ate brithella ang pinag-uusapan nila. Parehong malungkot ang tinig ng mga boses at reaksyon ng mukha nila maski ang mga mata nila.
Napapikit ako ng mariin.
Ang sakit sa dibdib.
A-akala ko mamamatay na si ate.
Ano bang nangyari?
Bakit siya nagkakaganyan?
Hindi ko namalayang naglalakad na ako palayo sakanila.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story
Teen FictionKilalanin si Arcie Santos, ang ampon ng pamilyang Santos. Magdudusa't maghihirap marahil ay kinakasuklaman ng ina-inahan na madalas niyang tawaging 'anti'. Kilalanin naman natin si Kyle Lheir Blythe, ang kababata ni Arcie. Siya ang dahilan kung bak...