Chapter 29: Sugar moment

94 30 3
                                    

BRITHELLA ALLYSA

Naaawa ako kay mama dahil sa ginagawa ng kambal ko. Paano kaya nagawang tiisin ni mama ang ugali ni Gretha? Indi ba aware ang kambal ko na sobrang swerte namin kay mama? Juiceme.

Let's talk about kapre. Bakit parang lalo siyang gumwapo? Pansin ko talaga iyon. Bagay pa sakanya yung suot niya na white shirt. Gusto ko na rin sanang makita sina Cass pero wala naman akong oras na makipagkita sakanila. Alam niyo na, kung saan saan dumadapo ang mata ng kakambal ko. Para siyang CCTV.

Oo nga pala, hindi na nagpatest ng DNA test si mama kasi obvious na obvious naman sa mukha pa lang. Kahit na kasama ko sila ay gusto ko paring makita si anti upang magpasalamat sakanya.

Nababago nga talaga tayo ng panahon. Parang kailan lang noong magkasama pa kami ni kapre sa condo niya. Everything what had happened is unexpected. Bilib din ako sa sarili ko dahil kahit sobrang hirap na ng pinagdaanan ko ay hindi ko parin nagawang sumuko. My weakness is my strenght. Did you get it? Sa tuwing may bagay akong kinahihinaan ay lalo pa akong humuhugot ng lakas ng loob upang malampasan ito. Walang permanente na bagay sa mundong ito, if you want it you must do for it.

Nang makahiga na ako sa kama ko ay napatitig ako ng matagal sa kisame saka inikot papunta sa pader ng kwarto ko. Plane white ang kulay kaya walang kabuhay buhay.
Hindi bale aayusin ko ang kwarto ko kapag maka-alis na sina mama at ate. Mainit ang atmosphere dito sa bahay dahil sa ugali ni Gretha. Maski nga ako ay naiinis sakanya imbes na matuwa ako pero wala eh, 'SABALI NGAMIN UGALI NA!' in tagalog iba kasi ang ugali niya. Orayt!!

Wala naman sigurong mali sa ginagawa ko 'di ba? Ito naman kasi ang kaligayahan ko. Dito ako masaya. Si kapre lang ang nagbibigay kulay sa buhay ko. He is my first and he will be my last.

Habang naboboring ako dito sa kwarto nagdesidido akong magluto nalang kaysa sa masayang ang oras ko kakamukmok sa kwarto. Susurpresyahin ko sina mama, ate at Darylle. Bukas na kasi ang alis nina mama kaya dapat bago sila umalis patitikiman ko muna sila ng putahe ko sa pagluluto.

Nilabas ko na ang kakailanganin ko. Nagpatulong ako kay manang na hiwain ng maliliit ang karne atsaka iyonng bawang at sibuyas. Magluluto ako ng adobo and chicken curry.

"Manang tapos na po ba iyan? Papalambutin ko po muna ang karne para madaling nguyain." giit ko kay manang. Maiyak-iyak na kasi siya sa paghiwa sa sibuyas. Naku! Ako nalang sana kasi ang nanghiwa.

"Manang ako nalang po riyan."

"Hay salamat naman iha. Oh siya maghugas lang ako ng mukha. Pagkatapos ng 15 minuto palambutin mo naman sa toyo ang karne para lasap yung pagiging adobo. Isusunod nalang natin mamaya yung chicken curry." sabi pa ni manang bago umalis.

At gaya ng sinabi ni manang, pinalambot ko naman sa toyo yung karne tsaka nilagyan ng mga dapat na mailagay. Nangangamoy adobo nagugutom tuloy ako.

"Manang tikman mo po oh. Masarap ba?"

"Tamang tama ang pagkakaluto iha. Sunod na natin ito."

*****

"Hays! Sa wakas natapos na rin." buntong hininga kong sabi. Napaso pa ako kanina pero hinayaan ko nalang yun. Basta para kina mama titiisin ko.

Naligo na muna ako at bumalik ulit sa kusina at saktong kararating nila ate at darylle.

"Mukhang nagluto ka ate ah." sabi ni Darylle tsaka nagmadaling tumakbo sa kusina. Ang takaw talaga nang batang iyan.

"Teka tawagin ko lang si mama." sabi ko at akmang aalis na pero pinigilan ako ni ate.

"Ako nalang bi." sabi nito.

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon