Arcie's POV
It's saturday. Mabilis talagang lumipas ang panahon ngayon. Tinatamad akong bumangon. Mabilis kong kinuha 'yung unan sa head board ng kama 'tsaka 'yun tinakip sa mukha ko. OMO! Sariwa pa rin sa isip ko 'yung halik ni kapre. Ewan ko pero sa tuwing sumasagi sa isip ko iyon ay napapangiti ako mag-isa. Iba 'yung halik niya sa halik ni Renz.
"Mag-ayos ka na may pupuntahan tayo." Napa-upo ako sa kama dahil may anghe--may pangit na kapatid ng unggoy na kapre ang nagsalita at nakapasok dito sa kwarto ko.
Nagulat ako dahil nakapasok siya. Paano siya nakapasok dito? Magsasalita na sana ako ng bigla niyang ilabas ang isang susi. Oh no! Hindi kaya gabi gabi niya akong pinapasok dito? Tapos minamanmanan niya ang bawat galaw ko.
Hindi parin ako tumatayo. "The hard way or the easy way?" tanong niya. Wait teka lang! Ang cool nung pagkasabi niya. The hard way or the easy way? At ano namang meron do'n?
Bago pa ulit siyang magsalita ay inunahan ko na siya. Pinalabas ko muna siya ng kwarto. Eh anong gusto niya? Maghuhubad ako sa harap niya? Magpapalit ako sa harapan niya? Iww
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos lumabas na ako ng kwarto. Nakasuot ako ng white na off shoulder tapos pants. Si kapre naman naka-white shirt siya and half pants. Para kaming naka COUPLE dahil sa suot namin. Nakacup pa siya ng may letterings na H sa gitna.
"Ano na naman bang nakain mo at naisipan mong lumabas tayo? At saan naman tayo pupunta?"
Nandito na kasi kami sa loob ng sasakyan niya. Hindi niya ako sinagot. Minsan nakakabaliw din 'yung dada ka ng dada pero hindi ka naman pinapansin. Bakit hin---
"Kaya naman pala eh naka-ear phones." Bulong ko sa'king sarili. Minsan na din akong nakaka-isip ng nega tungkol sa lalaking ito eh. Baliw ba to o abnormal?
Akmang hahawakan ko na sana 'yung earphones niya para tanggalin pero bigla siyang nag salita..
"STARBUCKS"
Tsk! Magsasalita din pala eh. Dumungaw na muna ako sa labas. Akala ko ba ' SILENCE KILLS ME LIKE HELL'? Favorite line niya kasi 'yan. Eh bakit ngayon ang tahimik niya masyado?
"🎶Ano ang iyong pangalan,
Nais kong malaman,
Kung may nobyo ka na ba
sana nama'y wala.
Di mo ako masisisi---🎶"
Biglang nagplay 'yung radio ng car niya. Sinadya niyang pinindot 'yun 'tsaka tinanggal niya 'yung earphones niya. Kaya naman pala eh. Napatitig ako sakanya. Bakit parang matagal na tayong magkakilala? Sino ka ba talaga? Bakit mo 'to ginagawa sa akin?"Baka matunaw ako." sambit niya kaya napa-iwas ako ng tingin. Tomato on my cheeks. Geeze!!
"🎶Sumusulyap palagi
sayong mga mata
oh kay ganda o binibini.......🎶"
"🎶Oh ang isang katulad mo ay 'di na dapat pang pakawalan.
Alam mo bang pag naging tayo hinding hindi na kita bibitawan.
Aalagaan di papabayaan.🎶" Sinabayan niya 'yung chorus ng kanta.
Geeze! Nakaka-inlove 'yung boses niya. Ang ganda. Patago lang akong nakikinig sakanya. OMO!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story
Teen FictionKilalanin si Arcie Santos, ang ampon ng pamilyang Santos. Magdudusa't maghihirap marahil ay kinakasuklaman ng ina-inahan na madalas niyang tawaging 'anti'. Kilalanin naman natin si Kyle Lheir Blythe, ang kababata ni Arcie. Siya ang dahilan kung bak...