Chapter 48: TRIPLE DATE

93 32 2
                                    

Brithella's POV

"Excited na ako. Ngayon lang tayong magkakabonding."

Halata nga sa mukha ng kambal ko. Papasok na kami ng mall. Magkakasama kaming tatlong magkakapatid. Alam na nila mama ang nangyari. Hindi nila kami nabisita dahil nagkaproblema din sila lalo na si ate. Syempre tumawag sila at si Darylle ang naka-usap nila.

Kahit nakawheel chair si Grithella ay masaya parin siya. Pinanindigan at hinarap niya 'yung ginawa niyang sakripisyo para sa akin.

Mahirap man pero kailangan kong tanggapin. Kung ikukulong ko lang ang sarili ko sa, 'dapat hindi nalang ako...' na salitang yan ay mahihirapan akong harapin ang katotohanan.

We both did a great sacrifice to each other pero at the end siya yung nabigyan ng matinding pagsubok.

"Aray... "

"Sorry kambal hindi ko nakitang may tao eh. Sorry talaga."

May nabangga na pala kasi kaming tao.

"Ate okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" Nag-aalalang tanong ni Darylle.

"Girls chillax. Sa halip na ako ang tanungin niyo, bakit hindi siya?"

Tinuro niya yung nabangga ng wheelchair.

"Masermonan!" Giit ni Darylle. "Hoy tupang! Nakatingin ka— I-ikaw?" Bigla siyang namula sa nakita niya.

Napatingin naman samin yung lalaki.

"Your sisters?" Gulat niyang tanong. Umiwas ng tingin si Darylle. Ang maldita ng kapatid ko. Ang gwapong nilalang naman nito. Parang nakita ko na siya dati.

"Hindi! Mga kapatid ko lang." Inis namang sabi ng kapatid ko. Aba aba! Bumabalik sa pagiging cold.

"Ah ow! Kambal sila?" Sunod na tanong nung lalaki.

"Hindi. Magkamukha lang." Seryosong sabi na naman ng kapatid ko but this time may pagkainis na sa boses niya.

"Are you still mad at me?" Umiwas ng tingin ang secret keeper kong kapatid. Aba, anong meron sakanila?

"Aba taray ng bunso namin." Singit ni Grithella.

"Excuse me." Singit ko din. "Have we met before, you looks familliar." Malambing at magalang ang tono ng boses ko.

"Siguro po." Nakangiti nitong sagot. Aww ang gwapo niya.

"Umalis ka na nga. Chupee!!" Inis na sabi ni Darylle.

"Chillax Darylle. Is that the way kung paano mo kami ipapakilala sa gwapo mong kaibigan?" Tanong ng kambal ko at kinindatan niya yung lalaki. Agad naman itong namula.

"What? Hindi siya gwapo. He is not my friend ate kaya paalisin niyo na siya."

"Nice meeting you po. Ahm Byanes sorry ulit. Mag-usap nalang tayo kapag magkita ulit tayo mamaya." Aba TORTANG TALONG. Ang gwapo masyado ng lalaking ito para ipagtabuyan ng basta basta nalang ng kapatid namin.

"Hindi ka pa nga nakikipagkilala eh. Naku kung hindi ka lang gwapo.... "

"Ano ate Grithella? Hah! Ano? Hmp!"

Sobrang namumula na si Darylle. Ngayon ko lang 'ata 'yan nakita sakanya ah.

"What's your name anyway?" Tanong ko.

Ngumiti muna siya. TORTANG TALONG, bakit ang gwapo niya? Smile palang gwapo na din.

"Zayn Sphinx po."

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon