*After Two weeks*
ARCIE
Nag-iiyakan ang mga tao. Tanging mga hikbi at paninisi sa sarili ang naririnig sa paligid. Buong akala ko ay makakasama ko pa siya ng mas matagal pero sumuko na siya. Akala ko tuturuan niya pa akong magpaint sa art class namin.
Last day na ng lamay niya. Ang sakit dahil wala na siya. Iniwan na niya kami. Halata sa mukha ng mga taong nandito ang bakas ng paghihinagpis.
"In the name of the---" binasbasan na ni father ang burol niya. Isa isa kaming tumayo tsaka dahan dahang hinulog ang mga puting rosas na hawak namin.
Akala ko ba tuturuan mo pa akong magpainting? Ang daya mo Alexa. Iniwan mo ako. Nawalan na naman ako ng isang kaibigan. Ikaw kasi eh! Nang-iiwan ka. Lex naman gumising ka na kasi. Tanghali na kaya. Lex please naman. Gumising ka na kasi please. Lex! Nagpapahingi ka lang saglit 'di ba? Naku! Alam kong matapang ka eh. Palaban ka naman 'di ba? Lex naman eh! Iniwan mo na ako. Iniwan mo na kami. Madaya ka.
"Tara na. Uwi na tayo." hindi ko pinansin iyong sinabi ni kapre.
Nagsialisan na ang mga tao pagkatapos ilibing si Alexa. Ayoko pang umalis. Kakausapin ko pa si Lex. Tuturuan niya pa akong magpaintings eh.
AIME ALEXA MICE.
Ang daya mo talaga Lex. Nakahiga ka na dyan. Habang buhay ka nang matutulog. Magpapahinga ka na nang panghabang buhay. Lex ang daya daya mo. Bakit hindi ka lumaban? 'Di ba dapat fight fight fight?
"Uwi na tayo. May dadalawin pa tayo."
Tumayo ako at nag-ayos ng sarili. Walang magagawa ang pag-iyak ko. Hindi na siya mabubuhay kahit libo libong iyak pa ang ibuhos ko.
Tahimik kaming lahat na nandito sa hospital. Kalilibing lang ni Alexa at two weeks na ring hindi nagigising si Yanna.
Two weeks na kaming umaasa na magising pa siya. Two weeks na namin siyang pinagkakaabalahan.
Two weeks na siyang nakahiga sa hospital bed.Hindi na kami sumali sa intrams dahil mas inuna namin si Yanna.
"Omygosh!!" Napatingin kami kay Gly. Sinundan namin kung saan siya nakatingin at biglang gumalaw ang hinlalaki ni Yanna.
"Shit! Call the doctor!" natatarantang sabi ni Ivan. Agad na lumabas si Lance. "Hold on please!!"
Nagpapanic na kaming lahat. Gumagalaw si Yanna ng parang nasasaniban.
Dumating na si Lance kasama si doc. Gusto kong magsalita pero umuurong ang dila ko. Agad kaming lumabas dahil pinalabas kami.
Mataimtim kaming nagdasal. Jusko umaasa po kaming magigising din siya. Matapang ka Yanna kaya lumaban ka please!!"Family of the patient?"
Sabay sabay silang nagsitayuan. Tumingin ako sa orasan na nasa harapan namin. Ten minutes na ang lumipas.
"Gladly to tell you guys that she is now stable. Ililipat nalang namin siya sa ibang room." nabuhayan kami dahil sa sinabi ng doctor. "So I have to go."
"By what time namin siyang pwedeng dalawin doc?" tanong ni Cass.
"Mga bukas pwede na siguro. Huwag na muna ngayon kasi kakamalay palang ng pasyente at baka mabigla din kasi siya."
Wala nang umimik sa amin. Bukas. Bagong panimula.
***
Morning drew.Yung feeling na hanggang titig lang ang mga babae, samantalang ang mga lalaki ay kapag may gusto sila sa isang babae, liligawan nila. Ang unfair 'di ba?
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story
Novela JuvenilKilalanin si Arcie Santos, ang ampon ng pamilyang Santos. Magdudusa't maghihirap marahil ay kinakasuklaman ng ina-inahan na madalas niyang tawaging 'anti'. Kilalanin naman natin si Kyle Lheir Blythe, ang kababata ni Arcie. Siya ang dahilan kung bak...