Chapter 9: Phone call

146 45 0
                                    

ARCIE

Spend lot of your time with your relatives as much as you can bond with them, then you must do for it.

Papunta na kami ngayon sa school. Mukhang may problema si kapre. Hindi kasi siya umiimik. Hindi naman siya ganya'n kapag magkasama kami. Nakakapanibago lang ang galaw niya ngayon. Nag-aalala na tuloy ako sa kanya.

Una na akong bumaba sa kotse niya. Wala naman kasi siyang balak na pagbuksan ako ng pinto.

Anyare don sa lalaking 'yun? Hindi kaya iniisip niya kung paano niya ako papalayasin sa condo niya?

Hihintayin ko pa sana siya pero parang wala siyang balak na bumaba sa kotse niya. Pumasok na lang akong mag-isa sa room.

"Oh well well well! Look who's here, girls." sabi ni Paulyn 'tsaka humalakhak. Isa lang naman siya sa mga bully dito sa campus. Mas kilala silang mga BANGS GIRLS.

Hindi ko alam kung saan nila kinuha iyong pangalan ng grupo nila.

"Oh yeah! Alone, huh?!" Tinaasan pa ako ng kilay ni Mendy. Naku! Gilitan ko 'yang kilay mo, eh! Buti sana kung pantay e hindi naman. Mukha kang tanga, 'te.

"Well! Go with the plan us?" Pataas kilay ding tanong ni Mia.

"Well! She's not with prince Kyle pa." sabi naman ni Nicole na humalakhak pa.

Hindi ko na lang sila pinansin. I'm not in my mood. Kinuha ko na lang 'yung science notebook ko. May long quiz kami ngayon sa science. Sisimulan ko na sana ang pagbabasa nang bigla itong hablutin ni Mendy.

'Ano bang problema nila sa 'kin?'

Hinayaan ko na lang sila. Hindi ako nagsalita. Hindi ako nagalit. Hindi ako nagreklamo. Sayang lang ang oras ko sa mga taong kagaya nila. Gaya nga ng lagi kong sinabi, GOLD ANG ORAS KO.

"Nakakainis kang babae ka!!!"

Lumapit sa 'kin si Mendy. Naiinis na talaga siya. Pagkasabi pa nga lang niya ng 'ka' ay halatang halata na. Poker face pa rin ako. Hindi ko nga talaga sinasayang ang oras ko.

"Nerd! Ano bang pinakain mo kay baby Kyle?"

Nerd? Yup. Iyan ang pagkakakilala nila sa akin. I can't please them to stop calling me nerd. I don't even care. It's not my matter at all.

"Chiz!! He is so annoying. Sayang lang ang oras natin sa kanya girls."

HE? Seriously? Ano bang tingin ni Mia sa 'kin? Lalaki?

"GAGA! She, not he. Mabaho siguro 'yung hininga mo kaya hindi ka nagsasalita."

Baka 'yang hininga mo Nicole ang mabaho. Imburnal flavor.

Hindi ko pa rin sila pinansin. Five minutes na lang magstart na 'yung klase pero wala pa si kapre. Hindi pa rin umaalis sina Paulyn sa harapan ko. Seryoso ba sila? Nagsisidatingan na 'yung mga classmates namin.

'Ano bang problema niyo sa 'kin? Ano ba talaga?'

Gusto kong tanungin 'yan sa kanila pero ayokong magsalita. Tinatamad 'yung GUMS ko. Nagpapahinga naman 'yung NGIPIN ko. Wala sa mood naman 'yung DILA ko. Pagod naman 'yung BUNGANGA ko.

Lame reason of ARCIE 101.

"Err! Oh!"

See? Sumuko na sila. Binalik na nila itong notebook ko. Kaya nga ayoko silang kausapin at pansinin eh para mainis sila.

Dumating na si ma'am. Wala pa si kapre. Saan kaya napadpad ang lalaking 'yun?

Some reasons include:
*Dating girls around
*At the bar
*ATSPP

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon