Chapter 22: Help

115 38 0
                                    


Arcie's POV

Dinala ako ng mga paa ko sa labas ng hotel. Isang maingay at mainit na lugar. Maingay ang huni ng mga sasakyan dahil sa matinding traffic. Oo, nandito ako sa kalsada. Hindi ako magpapakamatay at wala akong balak na gawin yan dahil hindi naman ako sira para sayangin ang buhay ko.

Bakit ba hindi ko siya magawang pakinggan?

Parang may mali sa akin eh.

Hindi ko na alam kung saan na ako pupunta ngayon.

Hindi man lang nila ako sinundan. Hinayaan nila akong lumayo sa kanila.

"Miss kung balak mong magpakamatay doon ka sa marawi. Doon ka magpagitna, huwag dito sa kalsada."

Ibinaling ko ang paningin ko sa paligid ng aking kinatatayuan, nasa gitna ako ng kalsada. Mahabang linya ng ibat-ibang sasakyan ang naghihintay na maka-alis ang sasakyan na nasa harap ko. 'Peep' dito at 'peep' doon ang naririnig ko.

"Miss ano ba?!"

Hindi ako maka-alis sa kinakatayuan ko. Nakadikit na ang paa ko dito. Unti unti na naman akong nakaramdam ng pagkahilo. Umiikot ang paningin ko hanggang sa maramdaman kong bumagsak na ang katawan ko sa gitna ng kalsada.

****

Author's POV

Gulat at awa ang naramdaman ng mga tao nang makita nila ang kaawa-awang babae na bumagsak sa kalsada. Ang mga nasa loob ng sasakyan ay isa isang nagsibabaan upang masilayan at masulyapan ang nangyari sa babae. Dito pa lamang ay makikita mo na kung gaano ka-curious ang mga tao sa nangyari ngunit bakit hindi nila magawang tulungan ang kaawa awang babae?

"Kawawa naman oh."

"Bakit siya naka-short?"

"Yung babae o kawawa naman."

"Hindi kaya't pinalayas yan?"

Ilan yan sa mga nasabi ng mga taong saksi sa pagkawala ng malay ng kaawa awa ngang dalaga samantala sa kabilang dako naman ay, nagsisisihan at nagsisigawan ang mga magkaklase.

Ang dalawang binata ay nagsusuntukan at pilit na pigilan sila ng iba pang lalake na kasama nila ngunit hindi sila nagpa-awat, habang ang mga kababaihan naman ay nagsisitilian dahil sa takot na nararamdaman.

May isang lalake ang naglakas loob na lapitan ang nakahandusay na dalaga. Hinawakan nito ang braso ng dalaga at hinanap ang pulso. Agad niya itong binuhat ng 'bride style' nang maramdaman niyang may pulso pa ito.

"Anong ginagawa niya?"

"Anong gagawin niya?"

"Baka naman asawa niya?"

"Baka kung ano pa ang gawin niya. Kawawa naman yung babae."

Hindi ba nila alam na naririnig sila ng binata? Wala ba silang kahihiyan? Buti nga't may magandang kalooban ang binatang tumulong sa dalaga.

Lumabas ang binata sa kanyang sasakyan nang maipasok niya ng maayos ang dalaga at saka hinarap ang mga taong walang ibang ginawa kung hindi ang magsabi ng negatibo.

"Nawalan siya ng malay hind ba? Bakit hindi niyo nilapitan? Naaawa kayo pero hindi niyo magawang tulungan. Mga tao ba kayo?" sambit nito at sumakay na sa kanyang sasakyan.

Tama naman ang binata eh, nagawa nilang maawa pero hindi nila tinulungan.

Pagkatapos ng mahaba habang byahe nakarating na rin siya sa bahay nila. Isang doktora ang kanyang ina kaya hindi na niya dinala sa hospital ang dalaga.

Pagkabukas ng gate ay mabilis niyang pinasok ang kanyang sasakyan at pinarada sa garahe.

Buhat buhat niya ang dalaga at dinala sa guest room.

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon