Brithella's POV
Saturday na naman ngayon. Nakakatamad bumangon. Nakakatamad kumilos lalo na't may dalaw ako ngayon.
*BEEP*
One text recieved
Open to read
~Yanny~
Good morning! I forgot to text you Arcie. Exactly nine today at Can'ine Royal Hotel and Restaurant. Thanks. Please be in time.
+ Type text messages | ✓
Gano'n na lang ba akong kabilis na kalimutan? Kaya ako, na-a-outdated eh. Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko, 8:19 na. No choice kung 'di ang tumayo at dumiretso sa CR para maligo.
"Ano ang 'yong pangalan?
Nais kong malaman,
Kung may girlfriend ka na ba?
Sana nama'y wala.
'Di mo ako masisisi,
Ika'y aking pag-aari."
Natawa nalang ako habang kumakanta sa banyo. Iniba ko pa 'yung lyrics. Ganyaan ako kabaliw kay kapre.
"Sayo oh aking kapre,
Ika'y patay na patay sa akin...
Oh, ang isang katulad ko
Ay 'di mo na dapat na pakawalan
Kapag ako'y pakasalan mo...
Hinding hindi na kita, bibitawan,
Aalagaan ka't 'di papabayaan pagkat,
Ikaw sa akin ay prinsipe..."
Nakakain pa ako ng bula ng sabon sa kakakanta ko. Ang ganda ng lyrics ko, new version ba kamo.
"Oh, magandang pagsasama,
Papuntang forever
Pag-ibig nati'y sinulat,
My boyfriend is my twin sister's first love ang pamagat.
Sana nama'y 'wag magpadala
Sa kamandag ng mga ahas,
Na walang ibang hiniling
Kung 'di ika'y agawin..."
Napapaindak pa ako habang nagbabanlaw. Ang lamig ng tubig.
Anong damit kaya ang isuot ko? Mag-highwaisted pants nalang ako tapos blackshirt na itu-tuck in ko.
Incoming call...
Kapre <3
Swipe to answer >>>
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story
Teen FictionKilalanin si Arcie Santos, ang ampon ng pamilyang Santos. Magdudusa't maghihirap marahil ay kinakasuklaman ng ina-inahan na madalas niyang tawaging 'anti'. Kilalanin naman natin si Kyle Lheir Blythe, ang kababata ni Arcie. Siya ang dahilan kung bak...